NAGHAIN ng mosyon si dating Makati City Mayor Junjun Binay Jr. sa Sandiganbayan Fifth Division upang hilingin na payagang makaalis ng bansa para masamahan ang kanyang anak na kalahok sa gymnastics competition.
Hiniling ni Binay na makapunta sa Hong Kong mula Nobyembre 16 hanggang 19.
Makakasama ni Binay sa biyahe ang kanyang mga anak na sina Maria Kennely, Jejomarie Alexi, Maria Isabel, at Jejomar III.
Ayon kay Binay ang kanyang anak na si Maria Kennely ay kasali sa delegasyon ng Club Gymnastica Pasig Inc. na kalahok sa Hong Kong Gymnastics Carnival.
“Accused fully commits to return to the Philippines on November 19, 2018, and to comply with whatever conditions may be imposed by this court, including the posting of a cash travel bond as may be required,” saad ng mosyon.
Naka-book ang mag-aama sa Hong Kong Disneyland Hotel sa Nobyembre 16 at lilipat sila sa Gateway Hotel mula Nobyembre 17-19.
Si Binay ay nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay ng iregularidad umano sa pagpapagawa ng Makati City Hall Parking Building at Makati Science High School.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.