Bading sa Senado, Kongreso dumarami; politiko buking ang tagong kayamanan | Bandera

Bading sa Senado, Kongreso dumarami; politiko buking ang tagong kayamanan

Cristy Fermin |October 31,2018
facebook
share this

Bading sa Senado, Kongreso dumarami; politiko buking ang tagong kayamanan

Cristy Fermin - October 31, 2018 - 12:30 AM

KUNG nagkakatusok ang mga kontrobersiya sa mundo ng showbiz ay nakikipagpaligsahan din ang mga isyung pinagpipistahan sa mundo ng pulitika.

Kung may mga pinagdududahang kasarian ng mga sikat na aktor ay ganu’n din sa mundo ng mga pulitiko, meron din silang pinagkukuwentuhan nang pabulong tungkol sa mga kilalang lingkod-bayan na kuwestiyonable ang gender, it’s a tie!

Kuwento ng aming source, “Naku, mas matindi pa nga ang mga isyung kinasasangkutan ng mga pulitiko, e! Mismong mga kasamahan pa nila ang nagpipista, pinagkukuwentuhan talaga nila ang mga pulitikong may bahid ang pagkalalaki!

“Kapag nagtsi-chill ang mga politicians, kuwentuhan muna sila sa mga achievements nila sa una ang focus ng usapan. Maya-maya, lalarga na ang mga tsismis tungkol sa mga kasamahan nilang nakaposisyon.

“Sa Senado, may mga sinasabing questionable ang gender, sa Congress, may mga isyu rin tungkol sa mga berde ang dugo! Parang mga gremlins daw sa pagdami ang mga pulitikong may bahid ang gender!” umpisang chika ng aming source.

May umiikot ding kuwento tungkol sa isang pulitikong mahusay magdala ng itinatagong yaman. Sabi, ang politician daw na ‘yun ang pinakawalang pera sa kanilang hanay, pero bakit marami itong nabibiling properties?

“Mismo! Kailan lang, e, may nabili siyang property sa isang lugar na super-mahal ang presyo ng lote per metro kuwadrado. Cash pa niyang binayaran ang property, ayaw niya ng tseke, natatakot kaya siya na baka magkaroon ng kuwestiyon sa capacity niya?

“Kung ang mga kuwento lang kasi ng pulitikong ito ang paniniwalaan, e, parang malayo sa katotohanan ang istorya ng pagbili niya ng property sa yayamaning lugar na ‘yun.

“Ang sabi niya, e, simpleng tao lang siya na namumuhay rin nang simple lang. E, bakit nakabili siya ng property sa place na ‘yun na pinapangarap lang ng marami nating kababayan?

“Ano na naman ang sasabihin niya, hindi niya pera ang ipinambili ng property na ‘yun, kundi sa wife niya? E, wala rin namang ginagawang projects ang misis niya, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saan galing ang datung ng politician na may simpleng buhay lang? ‘Yun kaya ang kinita niya nu’ng kumandidato siya, pero natalo?

“Ipaliwanag n’yo, ‘yan, ha, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, please lang!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending