Family first, peg ni Mr. politician | Bandera

Family first, peg ni Mr. politician

Den Macaranas |October 24,2018
facebook
share this

Family first, peg ni Mr. politician

Den Macaranas - October 24, 2018 - 12:10 AM

HABANG ang ibang mga pulitiko na patapos na ang termino ay nagsumite na ng kanilang certificate of candidacy para sa ibang elective post ay nagpasya naman ang ating bida sa kwento ngayong araw na manahimik muna.

Nagdesisyon si Sir na huwag na munang sumawsaw sa kahit anong pwesto sa gobyerno dahil gusto na muna niyang magpahinga.

Mula sa pagkabata ay nahulma na sa pulitika ang ating bida kaya panahon na raw para bigyan naman nya ng atensyon ang sarili at ang kanyang mga anak.

Noong una ay lumutang na ikinukunsidera siyang tumakbo bilang senador pero hindi ito natuloy.

Nang siya’y lumipat sa bagong kinaaanibang partido ay inireserba naman sa kanya ang congressional district kung saan siya nakatira pero hindi rin niya ito itinuloy.

Lumutang din ang mga ulat na baka totohanin na niya ang mga naunang balita na pakakasalan na niya ang isang kontrobersiyal na aktres na matagal na ring nali-link sa kanya.

Sa aking pagtatanong ay sinabi ng ating cricket sa city hall na napag-isipan daw nang husto ni mayor na matagal na niyang napabayaan ang kanyang pamilya partikular na ang kanyang mga anak.

Kaya nang magtapos sa U.S ang isa sa kanyang mga anak ay nagpasya ito na magkaroon ng mas maraming oras sa mga ito.

Bagaman hindi niya tuluyang tinatalikuran ang pulitika ay mas gusto raw niyang namnamin sa kasalukuyan ang buhay ng isang full-pledged dad.

Posible rin umano niyang tanggapin ang isang iniaalok na Cabinet post in the future pero saka na lamang daw niya ito pagtutuunan ng pansin.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw nagustong magpaka-tatay muna sa kanyang mga anak ay si Mr. B…as in Bitoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending