Ilang grupo ng raliyista sumugod sa bahay nina Lani at Bong | Bandera

Ilang grupo ng raliyista sumugod sa bahay nina Lani at Bong

Cristy Fermin |October 13,2018
facebook
share this

Ilang grupo ng raliyista sumugod sa bahay nina Lani at Bong

Cristy Fermin - October 13, 2018 - 12:15 AM

Napakaagang pinuntirya ng paninira ang pamilya Revilla. Sa unang araw ng pagsusumite ng COC ng mga nagpaplanong tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa darating na eleksiyon ay may nambiktima agad kina Congressman Strike Revilla at Mayor Lani Mercado.

Biglang dumating sa harapan ng bahay ng mga Revilla sa Bacoor ang ilang grupo na hindi nila alam kung saan nanggaling. Sumisigaw pa ang mga ito, kinakalaban nila si Mayor Lani, dahil si Mayor Strike daw ang gusto nilang mamuno sa Bacoor.

Gulat na gulat ang pamilya, walang namamagitang problema sa maghipag, maayos ang kanilang samahan at malinaw sa kanila na tatakbo pa ring mayor ang aktres-politiko at si Congressman Strike naman ay mananatili sa posisyon nito.

Hindi maaaring maglaban sa posisyon sina Mayor Lani at Cong. Strike, hindi nila bibigyan ng problema si dating Senador Bong Revilla na hanggang ngayo’y nakapiit pa rin sa PNP Custodial Center, paninira sa kanilang pamilya ang naganap.

Nang tanungin ang mga grupong nagsadya sa harapan ng bahay ng mga Revilla ay walang masabi ang mga ito tungkol sa kanilang sadya.

Basta, pinapunta raw sila du’n, kailangan daw nilang isigaw na si Cong. Strike na ang gusto nilang maging mayor ng Bacoor, ayaw na raw nila kay Mayor Lani Mercado.

Napakaagang paninira ito. Hindi pa man ay gusto nang guluhin ng mga kalaban ang magandang samahan ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending