Bryan Revilla suportado ang kaso ni Gretchen: Na-shock lang ako!
THANKFUL si Bryan Revilla sa mga sumuporta sa pelikula nilang “Tres” kasama ang mga kapatid na sina Cavite Vice-Governor Jolo and Luigi Revilla.
Blessing and a dream come true para kay Bryan ang success ng movie nila. Kaya naman asahan na ang pagtuluy-tuloy ng showbiz career niya.
“There’s more to come. We’re working on some more projects pero ano na lang, I can’t really talk about it yet, e. Pero ‘yung isa we will be starting already next year,” lahad ni Bryan nu’ng solo namin siyang makausap sa special screening ng “Tres” sa Santolan Town Plaza sa Boni Serrano, San Juan recently.
Ilalabas daw nila ang full-length movie verion ng “Virgo” episode niya sa “Tres”, “So, kung dito feeling ninyo bitin, wala pa ‘yan. Ang daming hindi ipinakita. This was shot really for full length. Pinutol lang talaga for 35 (minutes). This was really cut for an hour and 30 minutes.”
Mapapanood ang buong kuwento ng buhay ng karakter na ginampanan niya sa movie na si Virgil. Iba raw ang ending na ipapakita nila sa napalabas sa sinehan at iba rin ang twist sa full-length verison nito.
Very proud daw ang Papa nila na si former Sen. Bong Revilla sa feedback na nakarating sa kanya. Wish nilang mapanood din ng Papa nila ang “Tres” at makalabas na sa PNP Custodial Center.
Speaking of Bong Revilla, kinuha namin ang reaksyon ni Bryan sa balitang tatakbo uling senador sa next eletion ang kanyang ama.
“Well, hintay-hintay na lang po tayo at ipagdasal na lang po natin. One day at a time and darating tayo diyan kung talagang itatadhana. Pero as of now, I can’t really talk about certain things. Hindi pa talaga official,” sabi ng binata.
Suportado naman ni Bryan ang entertainment segment host ng TV Patrol na si Gretchen Fullido sa kinakaharap nitong kaso laban sa ilang kasamahan sa ABS-CBN.
“Well, ako since kaibigan ko ‘yan, very malapit siya sa akin. I’ll support her all throughout, all the way. And I’m praying for her. I’ll pray for her na bigyan siya ng lakas. I wish him nothing but the best.”
Para kay Bryan, napakabait at napakasipag na tao ni Gretchen, “She’s one of the most hard working peole I had ever met in showbusiness and totoong tao ‘yan,” lahad niya.
Last time na nagkausap sila ni Gretchen was a few weeks ago. Pero wala itong nabanggit sa kanya tungkol sa pagsasampa niya ng kaso, “Clueless din ako. Na-shock lang ako. I’ll just pray for everyone na sana maayos. Mabigyan ng hustisya,” diin pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.