Alvin Elchico bagong anchor ng ‘TV Patrol’, Gretchen kay Henry: We’ll miss you!
MAY magiging kapalit na ang seasoned news anchor na si Henry Omaga Diaz matapos mag-retire sa flagship newscast ng ABS-CBN na “TV Patrol.”
Siya’y walang iba kundi ang veteran anchor na si Alvin Elchico.
Ang balita ay inanunsyo mismo ni Alvin sa September 1 episode ng “TV Patrol Weekend” kung saan isa siya sa pioneer host ng programa kasama ang co-anchor na si Zen Hernandez, ngunit ito ay iiwanan na niya after 13 years.
“Ngayon po ang huling araw ko sa ‘TV Patrol Weekend.’ At sa loob ng mahigit na labing-tatlong taon mula 2011, ito po ang trabaho ko kada Sabado at Linggo,” sey niya.
Saad pa niya, “Malungkot po akong [iiwanan] ang ‘TV Patrol Weekend’ dahil dito po ako nag-grow bilang isang news anchor. Dito po ako nahasa sa tulong ng staff at production team ng ‘TV Patrol Weekend.’”
Baka Bet Mo: Angel sa ‘bargas’ na pagtatanong ni Alvin Elchico: Ginawa n’ya lang po ang trabaho n’ya
Inihayag niya rin ang kanyang pasasalamat kay Zen, pati na rin sa production staff na nagtiwala sa kanya.
“Simula bukas, panibagong yugto na ako ng aking buhay sa newsroom. Bagong tahak, araw-araw na akong magbabalita sa ‘TV Patrol.’ Maraming salamat sa tiwala,” ani pa ni Alvin.
Samantala, may pahabol na farewell message ang co-anchor ni Henry na si Gretchen Fullido na ibinandera sa isang Instagram post.
“We Love You & We’ll Miss You, Papa Henry! [red heart sparkling emojis],” bungad sa caption, kalakip ang ilang litrato kung saan last day na ni Henry sa “TV Patrol.”
Mensahe pa ni Gretchen, “It was such an honor and pleasure working with you all these years! [emojis].”
“If only people knew how much fun we had behind the scenes with our TV Patrol family [laughing emoji] and of course the chikahan portion off cam! Hahaha!” patuloy niya.
Ani pa ng entertainment reporter, “Now you can spend unlimited quality time with tita, with your grandchildren & the whole family! [sparkling emoji] Safe travels [airplane emoji] We are so happy for you! [red heart, sparkling emojis]
View this post on Instagram
Magugunitang umalis si Henry upang makasama na niya ang kanyang pamilya na nasa Canada.
Wala pang detalye kung ano ang magiging trabaho roon ng seasoned anchor, pero tiniyak niya na related pa rin sa paghahatid ng balita ang kanyang gagawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.