'TV Patrol' mapapanood na rin sa ALL TV Channel 2, true kaya?

‘TV Patrol’ mapapanood na rin sa ALL TV Channel 2, true kaya?

Reggee Bonoan - April 12, 2024 - 04:03 PM

True kaya, 'TV Patrol' mapapanood na rin sa ALL TV Channel 2?

PHOTO: Screengrab from YouTube/ABS-CBN News

Nagtataka ang mga tinanungan naming taga-Kapamilya sa lumabas na chikang mapapanood na ang “TV Patrol” sa All TV Channel 2 simula sa Abril 15, Lunes.

Base sa inilabas ng Chakapuso 2 Facebook account, “BREAKING NEWS: ABS-CBN flagship newscast na TV Patrol, mapapanood sa ALL TV Channel 2 simula ngayong April 15.”

“Mas pinalawak ang paghahatid ng balita at serbisyo para sa Pilipino, saan mang panig ng mundo,” caption pa kalakip ang hashtag “In the service of the Filipino.”

Baka Bet Mo: Christian Bables ‘dream come true’ ang makasama sina Kabayan, Karen, Henry at Bernadette sa ‘TV Patrol’: ‘Pangarap ko lang ito noon…’

Kaagad nagtanong sa ibang kasamahan ang kausap naming taga-ABS-CBN, “walang nakakaalam, Reggee, meron din nga raw sa Bilyonaryo.”

Tsinek naming ang nasabing website at mayroong report nga na ang titulo ay, “No place like home: ABS-CBN is back on Channel 2 with ‘TV Patrol’ primed for Villar’s ALLTV.”

Kaya tinanong naming ang isa sa news anchor ng TV Patrol na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo tungkol dito at nagulat din dahil wala siyang alam.

Aniya, “Honestly – ang tagal na that we don’t have a franchise, so we’ve adapted and thrived in the digital space. If babalik sa ALL TV, sana nga talaga – but I only heard it on Socmed too.”

Sey pa niya, “Right now ang klaro lang, we are ABS-CBN wala ng Channel-Channel. We Focus on Our Service to the Filipino sana mapanood tayo in ALL platforms!”

Oo nga naman, kung eere na ang TV Patrol sa All TV hindi ba dapat may anunsyo sa mga anchors/hosts?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ng ABS-CBN news department tungkol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending