Angel sa 'bargas' na pagtatanong ni Alvin Elchico: Ginawa n'ya lang po ang trabaho n'ya Bandera

Angel sa ‘bargas’ na pagtatanong ni Alvin Elchico: Ginawa n’ya lang po ang trabaho n’ya

Ervin Santiago |April 26,2021
share this

Angel sa ‘bargas’ na pagtatanong ni Alvin Elchico: Ginawa n’ya lang po ang trabaho n’ya

Ervin Santiago | April 26,2021 - 03:56 PM

NAKAHINGA na nang maluwag ang “TV Patrol” anchor na si Alvin Elchico matapos magbigay ng mensahe sa kanya si Angel Locsin tungkol sa umano’y “bargas” na pagtatanong niya sa isang panayam.

Ayon sa Kapamilya actress at TV host, hindi naman daw siya na-offend sa paraan ng pagtatanong sa kanya ni Alvin tungkol sa itinayo niyang kontrobersyal na community pantry sa Quezon City.

Ipinadala ni Angel ang kanyang mensahe para kay Alvin sa pamamagitan ng kanyang pamangkin na si dating Cong. Neri Colmenares.

Ipinost pa ni Alvin sa Twitter ang screenshot ng mensahe sa kanya ni Colmenares, “From gel: Kuya pakisabi hindi po ako na-offend.

“Tinanong nya po ang mga tamang tanong na gustong marinig ng tao ang sagot.

“Ginawa nya po ang trabaho nya. Wala pong nakaka-offend duon at nirerespeto ko po sya.

“Pasensya na po kung nakagulo po ako sa kanya,” ang paliwanag pa ng aktres.

Ito naman ang inilagay na caption ni Elchico sa kanyang tweet, “Good morning! Last night I got a viber message from Bayan Muna Chair Neri Colmenares na ipinaparating ni @143redangel na hindi sya naoffend sa tanong ko sa @TVPatrol.

“Thanks for the message Angel. Salamat din Cong. Neri,” aniya pa.

Kung matatandaan, kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng Kapamilya broadcast journalist at news anchor mula sa fans ni Angel dahil hindi nila nagustugan ang paraan ng pagtatanong nito.

Partikular na inalmahan ng netizens ang tanong niyang, “Kahit may nangyaring ganito, meron ka pa rin bang susunod na ioorganisang community pantry o nadala ka na?”

Sagot ng aktres, “Wala na po, hindi na po. Humihingi lang din po ako ng tawad sa lahat ng naabala. Hindi ko po talaga intensiyon, pansensiya na po talaga.

“Alam ko wala pong papel or silbi ang paghihingi ko ng tawad o pasensiya dahil sa mga nangyari, pero wala na po talaga akong masasabing iba kundi sorry lang po talaga,” aniya pa.

Reaksyon dito ng isang netizen, “Grabe naman yung ‘nadala ka na’ parang kasalanan tlga ni angel, nag bigay lang sya, ang magulo ay yung mga Taong walang disiplina at hindi nah social distancing!”

“Sir @alvinelchico, I know you meant well. But the ‘Nadala ka na?’ seems a bit tone deaf to someone who is already crying already,” comment naman ng isa pang Twitter user.

In fairness, humingi naman agad ng sorry si Alvin kay Angel at sinabing wala siyang intensyon na maka-offend o ipahiya ang aktres.

“Sorry po, ah. Sorry po Angel, kung nakikinig ka. I didn’t mean to offend or to hurt. E, kababayan ko iyan, e, pinsan ni Colmenares iyan, e, ni Neri. Saludo tayo.

“Angel, if you’re offended, sorry ha kung na-offend ka. Sa mga fans po, sorry po kung na-offend kayo, but it was never my intention na i-offend po siya,” sabi pa ng news anchor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending