VP inalis sa line of succession ng pederalismo
TINANGGAL si Vice President Leni Robredo sa line of succession sa ilalim ng transition period batay sa draft ng panukalang Federal Constitution.
Kung mayroong masamang mangyayari kay Pangulong Duterte ang papalit sa kanya ay ang Senate President na sinundan ng House Speaker.
Ayon kay House committee on constitutional amendment chairman Vicente Veloso ginawa ito upang maiwasan ang ‘instability’ sa pagpapalit ng gobyerno dahil mayroong election protest na kinakaharap si Robredo.
Hindi pa natatapos ang election protest na inihain ni dating Sen. Bongbong Marcos.
Ayon naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin maaaring takot ang mga kaalyado ni Duterte na umupo si Robredo kung mayroong mangyayaring masama sa Pangulo, na umamin na siya ay nagpasuri sa ospital kamakailan.
“It’s really directed at Vice President Robredo because she is in the opposition. So the administration really has to take her out of the equation in that transitory provision for succession before the supposed draft Charter takes effect in 2022,” ani Villarin.
Giit ni Villarin ang electoral protest ay isa laman petisyon na maaaring mabalewala ng mga susunod na pangyayari.
“An electoral protest is a protest and wala pang final decision on that and it might be taken over by events and yung events na iyon doon siguro sila takot,” ani Villarin. “ Of course the problem now is the health condition of the President, which is again inamin naman ng Presidente.”
Sinabi ni Duterte na ang gusto niyang pumalit sa kanya ay si Marcos o Sen. Francis Escudero.
“The President has always been saying that he does not like Vice President Robredo to succeed him. He’d rather have a military junta and we was egging the generals to take over. So given this context, talagang sinasadya itong provision na ito.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.