Angel manggugulat sa ABS-CBN Ball: Lalabas ako ng lungga ko!
NAGDALAWANG-ISIP pala si Angel Locsin kung dadalo ba o hindi sa kauna-unahang ABS-CBN Ball na magaganap ngayong gabi sa Makati Shangri-La Hotel.
Ayon sa Kapamilya actress, nitong mga nakaraang araw ay parang nahihiya raw siyang um-attend sa nasabing event dahil nga sunud-sunod ang mga kalamidad na nangyayari sa Pilipinas. Parang may guilt feeling pa rin siya kahit paano.
Pero aniya, nagdesisyon na rin siyang pumunta dahil first time ngang magkakaroon ng ABS-CBN Ball at gusto rin niyang makasama ang kanyang mga kaibigan sa industriya pati na ang kanilang mga big boss sa Kapamilya Network.
“Yes, surprisingly, pupunta ako! Actually, may isang Star Magic Ball akong napuntahan in my 10 years in ABS-CBN. Ito yung second. I think solo na maglalakad ako sa red carpet. I’m not sure kung may kasama ako. Hindi pa ako sure dun kung may kasama ako or mag-isa,” ang pahayag ni Angel sa ginanap na Avon Fashions X Angel Locsin bag collection launch kagabi.
Kung tama ang pagkakatanda namin, unang dumalo sa Star Magic Ball ang dalaga noong 2008 kasama ang boyfriend niya that time na si Luis Manzano.
“Usually, ako, tamad mag-attend sa mga ganito. But ito, I’m very excited kasi first time na ABS-CBN Ball talaga, so gusto kong ma-meet ang mga Kapamilya natin. So, yeah, lalabas ako ng lungga ko, a-attend ako ng ball,” chika pa ni Angel. Hindi pa rin siya sure kung dadalo rin sa event ang kanyang boyfriend film producer na si Neil Arce.
Pina-rush din daw niya sa fashion designer na si Popo Go ang isusuot niyang gown sa Ball dahil nga kailan lang siya nag-decide na pumunta, “Hindi ko pa nakikita ang damit. Wala pa akong idea kung ano. Pero I’m sure, sa magic ni Popo Go, kayang-kaya na yun. Magkakagulatan na lang kami at sana magulat din kayo.”
Samantala, isang bagong journey naman ang tatahakin ni Angel bilang designer ng bag para sa Avon Fashions. Mismong ang Avon ang kumausap sa aktres para gumawa ng kanyang sariling bag collection na pwedeng gamitin ng mga tulad niyang laging on the go.
“Sobrang happy ako kasi first time ko magkaroon ng opportunity na magkaroon ng collaboration with Avon Fashions and mase-share ko rin kung ano yung tingin kong practical, functional at fashionable na bag na bagay na bagay sa Filipina,” chika ni Angel.
Tatlong designs ang ni-launch during the Avon Fashions X Angel Locsin: ang Angel, the She-EO o ang Angel Locsin Everyday Bag; Angel the Screen Icon or AL Sling Bag; at ang Angel the Renaissance Woman o ang AL Backpak.
“After much planning, brainstorming and designing, they’re finally here! So happy to share with you this exciting collaboration with my Avon family! We made sure this collection of handbags was created for the modern Filipina—someone driven, hardworking, on the go and of course, fashionable!
“These bags can be used from day to night, perfect for everyday! Thank you Avon Fashions, for the trust. I can’t wait to see you guys in your #AvonFashionsxAngelLocsin handbags!” ang caption naman ng dalaga sa kanyang Instagram photo kung saan makikita ang kanyang bag collection.
Available na ang mga bag ni Angel sa Avon ngayong October. For inquiries, mag-log on lang sa www.avoncompany.com
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.