Jolo tinukso kay Rhian: Single kami pareho, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? | Bandera

Jolo tinukso kay Rhian: Single kami pareho, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?

|September 25,2018
facebook
share this

Jolo tinukso kay Rhian: Single kami pareho, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?

- September 25, 2018 - 07:59 PM


EXPECTED na ni Vice-Gov. Jolo Revilla na muling matatanong ang tungkol sa kanyang lovelife sa grand presscon ng action trilogy movie na “Tres” under Imus Productions.

Tinutukso kasi si Jolo ngayon sa leading lady niya sa “Tres” para sa episode na “72 Hours” na si Rhian Ramos nang humarap sila sa presscon ng kanilang movie kamakalawa.

“Single ako, single din siya (sabay tawa). Kayo talaga, huwag na natin bigyan ng kulay. We’re good fiends, pero hindi n’yo din naman masisi, maganda siya, mabait. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?” paliwanag ni Jolo.

Ayon sa binata, nais niyang dagan-dahanin this time ang pagpasok muli sa bagong relasyon, after ng break-up nila ni Jodi Sta. Maria.

“Siyempre, sa bawat mga pinagdadaanan namin sa buhay mas magandang dahan-dahanin natin, huwag natin mamadaliin kung ano man,” chika ng aktor-politiko.

“Kasi siyempre kakahiwalay ko lang, kakahiwalay lang niya, siguro hindi naman imposible. We’re good friends,” dugtong pa niya.

At tulad ni Jolo, inaasahan na rin ni Rhian na mali-link sila ni Jolo dahil nga sa kanilang pelikula.

“Ine-expect ko rin naman na matsismis kami. Hindi naman ako nagulat, part na siya ng trabaho ko bilang nasa showbiz nga tayo,” paliwanag ng Kapuso actress.

“Nu’ng nabalitaan ko nga na single na si Jolo, sabi ko, ‘ay ito na ‘yun marami ang magsasabi na may kinalaman ako,’” sey pa ng dalaga.

Samantala, hindi naman nagpatalbog si Rhian kay Jolo at sa iba pa nilang kasamahan sa episode na “72 Hours” pagda-ting sa akyon na idinirek ni Dondon Santos.

Talagang buwis-buhay din ang mga action at fight scenes niya sa movie kaya sana raw ay marami ang manood nito, si-nisiguro ng aktres na sulit ang ibabayad ng mga tao sa sinehan dahil sa quality ng “Tres”.

Ang dalawa pang episode ng “Tres” ay ang “Virgo” ni Bryan Revilla with Carla Humphries (directed by Richard Somes) at ang “Amats” ni Luigi Revilla kasama sina Assunta de Rossi at Markki Stroem na idinirek din ni Dondon Santos. Mapapanood na ito simula sa Okt. 3, ng Imus Productions to be released by Cine Screen ng ABS-CBN Films.

Ilan pa sa mga makakasama sa “Tres’ ay sina Phillip Salvador, Lovi Poe, Albert Martinez, Lani Mercado, Dominic Roque, Joey Marquez, Myrtle Sarrosa at marami pang iba.

q q q

Birthday ng ama nina Jolo, Luigi at Bryan na si dating Sen. Bong Revilla last Monday at nagkaroon sila ng selebrasyon sa loob ng Camp Crame kung saan nakakulong pa rin ngayon ang aktor-politiko.

Narito ang birthday wish ni Jolo para sa ama, “Kung pwede lang maibalik ‘yung mga oras na nawala, kung pwede lang mabalik dahil siyempre ang tagal niya du’n, eh. Kung paano kami makapag-spend time sa kanya dito sa labas.

“And I’m very sure, if he’s out, he’d be doing a lot of movies,” chika pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya sa hiling nilang makalaya na ang ama, “In due time, alam namin na malapit na ’yun. Ayaw lang naming siyempreng pangunahan ‘yung husgado. But we all know. Lumabas na ang katotohanan. Prayers na lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending