Pokey puring-puri si Maine: Parang ang tagal na naming magkakilala! | Bandera

Pokey puring-puri si Maine: Parang ang tagal na naming magkakilala!

Ervin Santiago - September 12, 2018 - 12:05 AM


PURING-PURI ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ang Dubsmash Queen at Kapuso star na si Maine Mendoza.

Kahit ilang oras lang silang nagkakuwentuhan noon nang dalawin siya ni Maine sa bahay nila sa Antipolo, Rizal last May kahit paano’y nakilala na niya ang karakter ng dalaga. Tuwang-tuwa rin siya kay Maine nang “alagaan” ang anak nila ni Lee O’Brian na si Malia.

Paano nga ba sila nagkakilala ni Maine, “Ay, ganito po iyan, si Maine Mendoza ay meron po kaming common friend, si, pinangalanan talaga! Si Marge So, na dati pong nagtatrabaho sa Star Cinema. Friend ko po yun.

“Wala pa si Maine, si Menggay wala pa siya sa showbiz, friend ko na si Marge. So, nakuwento ni Marge na dadalaw siya sa akin, nakuwento ni Marge kay Maine, ‘Dadalaw ako kay Pokwang,’” kuwento ni Pokey nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa opening ng 3rd TOFARM Film Festival sa Novotel Hotel-Manila, Cubao, Quezon City.

Bida si Pokwang sa entry na “Sol Searching” directed by Roman Perez Jr. kung saan makakasama rin niya sina Joey Marquez, JM Salvado, Gilleth Sandico at Jeison Bay.

Pagpapatuloy ni Pokey, sinabi raw ni Maine sa kaibigan nila na gusto niyang makilala ang Kapamilya comedienne, “E, napaka-humble nu’ng bata, sobrang napaka-humble. And inaano rin niya si Malia, nilaro niya.”

Unang pagkakataon pa lang silang nag-meet ni Maine, pero nag-click agad sila, “Yes, first time yun! Pero para nga kaming matagal nang magkakilala, alam mo yun? E, kasi nga, hindi siya mahirap pakibagayan.

“Iyon ang nakita ko sa kanya. Hindi siya mahirap pakibagayan na tao. Mabait yung bata, in fairness. Tapos ipinagluto ko siya, mahilig siya sa sinigang na bangus! Siningang na bangus, happy na siya sa ganu’n,” aniya pa.

Bukod kay Maine, isa pang Kapuso na ka-close ng komedyana ay ang Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros, “Si Paolo naman po, kapitbahay ko. Pag umaga nagdya-jogging ako kasama ko yung anak ko, dumadaan kami kay Paolo, bilang magkapitbahay kami.”

Samantala, ngayong araw na, Sept. 12 magsisimula ang 3rd TOFARM filmfest produced by Dr. Milagros How, Ring Perez at ng Universal Harvester, Inc.. Tatagal ito hanggang Sept. 18. Gaganapin naman ang awards night sa Sept. 15 sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La.

Ang lima pang official entry sa TOFARM 2018 ay ang mga sumusunod: “1957”, written and directed by Hubert Tibi. Bida rito sina Ronwaldo Martin, Richard Quan, Menggie Cobarrubias, Kathe Bernales, Selina Grace Boucher, Joe Gruta at Rolando Inocencio.

“Alimuom” mula sa panuklat at direksyon ni Keith Sicat, starring Ina Feleo, Epy Quizon, Mon Confiado, Dido Dela Paz, Kiko Matos, Elora Españo at Karl Medina.

“Kauyagan (Way of Life)” ni Julienne Ilagan. Bida rito sina Jefferson Bringas, Perry Dizon at Bayang Barrios.

“Mga Anak ng Kamote” written by John Carlo Pacala and directed by Carlo Catu. Ito’y pagbibidahan nina Katrina Halili, Alex Medina, Carl Guevara, Kiko Matos at Lui Manansala.

“Tanabata’s Wife” written by Charlson Ong, based on the short story of the same title by Sinai Hamada and directed by Charlson Ong and Lito Casaje. Bida naman dito sina Miyuki Kamimura, Maribeth Fanglayan, Kurt Alalag, Danilo Bulanay, Yoshisito Tsukasa, Brian Arda at Lito Casaje.

Maaari n’yong mapanood ang mga TOFARM entries sa SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Galleria, Trinoma, Greenbelt 1, Gateway, Gaisano Davao at Robinson’s Legaspi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TOFARM is the only advocacy-driven film festival in the country today, with entries showcasing the lives, journeys, trials and triumphs of the Filipino farmer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending