Ai Ai napasakay sa tricycle ng magtataho para kay Mama Mary

By Jun Nardo September 09,2018
share this

Ai Ai napasakay sa tricycle ng magtataho para kay Mama Mary

By Jun Nardo September 09,2018
share this

AI AI DELAS ALAS

ALIGAGA si Ai Ai delas Alas sa paghahanda para sa selebrasyon ng birthday ni Mama Mary. Taun-taon itong ginagawa ng Comedy Queen bilang pasasalamat na rin sa lahat ng biyaya sa kanyang pamilya at career.

Sa post niya sa Instagram kahapon, nakisakay talaga siya sa traysikel ng isang magtataho para makauwi sa bahay at magbihis.

Sa covered court kasi ng BF Homes QC Village ang selebrasyon na ilang metro rin mula sa kanilang bahay.

“Nag set up na sa birthday ni Mama Mary kailangan kong umuwi magpapalit ako ng damit…nautusan ko driver na bumili ng mineral water at juice, kaya wala yung sasakyan.

“Buti na lang nakita ko si mamang magtataho. hehehe! nakisuyo ako kuya hatid mo ko sa bahay. Hahaha…at sya ang official magtataho ng bday ni mama mary…

“Salamat kuya at salamat mama mary at hindi mo ako pinaglakad hehehe #kuyamagtataho #thetahoooftheday,” caption ni Ai Ai sa picture niya ng mamang magtataho.

“The best ka talaga ma…” komento naman ng anak niyang si Sancho.

Take note na mula sa sariling bulsa ang perang ginastos ni Ai para kay Mama Mary. Bukod sa misa at lunch, nagpakain sila sa matatanda at namigay ng regalo para sa mga batang mahihirap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending