Batang walang kamay na itinampok sa KMJS pag-aralin ni Alden hanggang kolehiyo
MALAKING inspirasyon ang hatid sa ating mga kababayan ng batang itinampok ni Jessica Soho sa kanyang matagumpay na programa tuwing Linggo nang gabi na si Nino.
Ipinanganak siyang walang mga kamay, pero hindi niya ‘yun ginawang hadlang sa pagpapatuloy nang positibo sa kanyang buhay, nagagawa rin niya ang karaniwang ginagawa ng mga kapwa niya bata pero medyo nahihirapan lang siya.
Nagkakarpintero si Niño, ginagamit niyang pangtulong ang kanyang mga paa, maaga siyang gumigising para maghanda sa kanyang pagpasok sa eskuwelahan.
Iniipit ng kanang kamay niya ang tabo, mas mahaba kasi ‘yun kesa sa kaliwa, at saka niya ibinubuhos ang tubig para sa kanyang paliligo. Isang napakalaking sampal ang mga ginagawang pagsasakripisyo ng batang si Niño para sa mga kababayan nating kumpleto ang mga bahagi ng katawan pero tamad.
Si Alden Richards ang paboritong artista ni Niño, pinanonood niya ang Victor Magtanggol na pinagbibidahan ng Pambansang Bae, napakaligaya ng bata nang sorpresahin siya ng kanyang idolo.
Nakakaantig ng puso ang ipinahayag ng guwapong aktor nang magharap na sila ni Niño, sinagot nito ang pag-aaral ng bata hanggang sa kolehiyo, ibang-iba ang kinang ng mga mata ng bata nang marinig niya ang pangako ng kanyang idolo.
Matalinong bata si Niño, may honor pa nga siya sa kabila ng kanyang kapansanan, kaya ayon kay Alden ay dapat sinusuportahan ang mga batang tulad niya na nagsisikap kahit pa nahihirapan siya sa kawalan ng mga kamay.
Napakaganda ng puso ni Alden Richards, marunong mamahagi ng kanyang mga tinatanggap na biyaya ang Pambansang Bae, kaya naman patuloy itong pinagpapala at binibiyayaan ng kapalaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.