Kilalang female personality nakabangon na mula sa sunud-sunod na kamalasan

By Cristy Fermin August 17,2018
share this

Kilalang female personality nakabangon na mula sa sunud-sunod na kamalasan

By Cristy Fermin August 17,2018
share this

NAKABANGON na mula sa masakit niyang kahapon ang isang kilalang female personality. Kung gaano siya kaganda ay naipon naman ang hindi magagandang pangyayari sa kanyang buhay nitong mga nakaraang taon.

Hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon nila ng kanyang mister, nagising na lang siya isang umaga na wala na pala siyang pera, ‘yung nasa kanyang wallet na lang niya ang masasabi ng aktres na kanya.

Kuwento ng aming source, “Walang natira sa kanya! Nakakalungkot nga, trabaho siya nang trabaho habang magkasama sila ng mister niya, pero wala pa siyang naisubi man lang para sa kanilang mag-ina.

“Hindi niya alam kung ano ang nangyari, basta nagising na lang siya na walang-wala na pala siyang masasabing kanya. Zero na naman siya, mag-uumpisa na naman siya mula sa ibaba,” simulang chika ng aming source.

Ang masakit pa, pati ang kanyang pamilya ay wala ring itinira para sa kanya. Mula nu’ng dalaga pa lang ang female personality ay kayod na siya nang kayod pero hindi niya naman natitikman ang mga pinaghihirapan niya.

“Nakakaawa ang girl dahil wala siyang natikmang kahit ano sa mga ginawa niya mula nu’ng teenager pa lang siya. Parang kalabaw siyang isinuga sa bukid para magtrabaho.

“Sobrang bait ng girl, walang reklamo, umiiyak na lang siya kapag sobra na siyang pagod na pagod. Pati nga ang lovelife niya, e, pinakialaman pa rin ng mga magulang niya, di ba?

“Meron siyang tagong boyfriend nu’n, hindi sila puwedeng lumantad, kasi nga, susugurin ng mommy niya ang guy. Kaya ayun, palagi silang nagkikita nang patago. Mabuti na lang at may mga kaibigan silang nakakaintindi sa situation nila.

“Siguro naman, sa age niya ngayon, e, puwede nang basbasan ng parents niya ang pakikipagrelasyon niya. OA naman sila kapag hindi pa rin, nagkakaedad na ang female personality, panahon na para makawala siya sa hawla!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pagsamahin n’yo ang donut at ang isang mabangong bulaklak at siya na ‘yun!” pagtatapos na chika ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending