Payo ni Sherilyn kay Ryle Santiago: Wag male-late at laging maligo!
ISA si Ryle Santiago sa bida sa “Bakwit Boys” ng T-Rex Entertainment Productions.
The movie is one of the official entries in Pista Ng Pelikulang Pilipino. Nakakuha rin ito ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board kaya naman exceptionally good ang movie na ito.
Since he is a showbiz royalty, he being the nephew of Randy, Raymart and Rowell Santiago and son of Sherilyn Reyes, Ryle was asked kung anong tips ang ibinigay sa kanya ng kanyang mom.
“Wag male-late kasi siyempre napaperwisyo mo ‘yung oras ng ibang tao kapag nale-late ka. And then, laging maligo. Laging maging mabait. Palagi kang magpakilala sa mga katrabaho mo.
Beterano man o hindi ang kausap mo, ikaw ang laging unang magpakilala. Maaalala nila ‘yun,” he said.
Umaariba ang Hashstags na kinabibilangan ni Ryle dahil halos lahat sila ay may projects.
“Sobra akong proud sa aming lahat kasi noong nag-uumpisa pa kami halos wala pa, eh. Ako, almost two years na ako pero wala pa akong major achievement.
“So, lahat kami talaga nag-start kami pantay-pantay. Nakaka-proud lang na ‘yung mga kasama namin ay busy din,” he said.
As for his role sa “Bakwit Boys,” aminado si Ryle na wala siyang leading lady.
“Aaminin ko, may love triangle at hindi ako kasama doon. So okay lang kasi doon sila sa mas mature. Ako bata pa ako, fresh pa ako,” say niya.
“May mga eksena na ayun nandoon ang tension sa kanilang tatlo,” dagdag pa ng boyishly handsome actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.