Pamilya ni Sherilyn napilitang lumipat ng bahay dahil sa mga naranasang kababalaghan; anak minarkahan ng '14' | Bandera

Pamilya ni Sherilyn napilitang lumipat ng bahay dahil sa mga naranasang kababalaghan; anak minarkahan ng ’14’

Ervin Santiago |August 31,2021
facebook
share this

Pamilya ni Sherilyn napilitang lumipat ng bahay dahil sa mga naranasang kababalaghan; anak minarkahan ng ’14’

Ervin Santiago - August 31, 2021 - 10:50 AM

Sherilyn Reyes at Ryle Santiago

NAPILITANG iwan ng pamilya ni Sherilyn Reyes-Tan ang matagal nang tinitirhang bahay matapos makaranas ng hindi maipaliwanag na kababalaghan.

Kuwento ng aktres, 10 taon na silang naninirahan sa nasabing bahay pero kinailangan nilang lumipat dahil umano sa mga elementong kasa-kasama nila roon.

Ayon kay Sherilyn, “minarkahan” umano ng isang “nilalang” o elemento ang anak niyang babae base sa nakita ng isang kaibigan nilang may third eye.

Naikuwento ito ng aktres sa programang “Mars Pa More” na talagang ikina-shock ng mga host na sina Iya Villania at Camille Prats.

Ayon kay Sherilyn, matagal na silang may nararamdamang “something” sa nasabing bahay pero nakasanayan na rin daw nila ito. Alam nilang hindi lang daw sila ang naninirahan doon.

Hanggang sa may bumisita nga sa bahay nila na merong third eye at nakita ang 10-taong-gulang na anak niyang babae na may kasamang  “dalawang bata”.  

Sabi pa ng kanilang kaibigang may kakayahang makakita ng kababalaghan, may marka raw na “14” sa likod ng kanyang anak. Ibig sabihin daw nito, maaaring may mangyari sa bata pagsapit ng edad na 14.

“Sabi sa amin, yung 14 daw ay marka, meaning baka raw pag 14 years old na siya, pagtulog niya biglang hindi na siya gigising.”

“So alam mo ‘yon, whether or not na totoo parang sabi ko, alis na tayo rito, lumipat na lang tayo ng bahay kahit ang tagal-tagal na namin doon,” pahayag ng nanay ni Hashtag Ryle Santiago.

Mas lalo raw kinilabutan ang aktres nang sabihin ng kanyang anak sa kanilang bisita na bumalik daw talaga ang kanyang “playmate” o imaginary friend, “Tapos sabi raw sa kanya huwag sasabihin sa amin.”

Chika pa ni Sherilyn, nang makakita na raw sila ng bagong bahay na malilipatan bigla raw nagkasakit ang kanyang asawang si Chris Tan at na-confine sa ospital.

“Pag-uwi namin sa bahay, naubo yung (asawa ko), naubo lang ha, pero nagpapadala na siya sa ospital. At hindi siya ganu’n, hindi nga agad umiinom ng gamot yun, e.

“Pero that time, ospital agad and we stayed there for eight days. Then nalaman namin na may laceration of the kidney daw, pero umubo lang ha!” pagbabahagi pa ng aktres.

Ayon sa kaibigan nilang may third eye, baka raw ito ang paraan ng “kasama” nila sa bahay para hindi sila makaalis.

Kasunod nito, naisipan ng pamilya ni Sherilyn na bago tuluyang umalis ng bahay at lumipat, nagsagawa sila ng isang ritwal para matahimik ang mga elementong naroon. 

Pero bago matapos ang ritwal ay bigla raw nabasag ang bowl ng asin na hawak ng isa nilang kapamilya pero hindi raw sila nagpakita ng takot hanggang sa matapos ang kanilang pagdarasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natuloy din daw ang kanilang paglipat at mula noon ay naging maayos naman ang buhay nila sa bagong tirahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending