Sherilyn Reyes nagkautang ng P35-M matapos ma-scam

Sherilyn Reyes binabayaran pa rin ang P35-M na utang matapos ma-scam

Ervin Santiago - March 17, 2024 - 07:33 AM

Sherilyn Reyes binabayaran pa rin ang P35-M na utang matapos ma-scam

Gelli de Belen, Sherilyn Reyes at Patricia Tumulak

UMABOT pala sa P35 million ang kailangang bayaran ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan matapos ma-scam sa kanyang bag business.

Talaga raw namulubi si Sherilyn at ang kanyang pamilya nang todo dahil sa panloloko sa kanya ng isang doktorang kliyente niya na kumukuha sa kanya ng mga branded bags para maibenta.

Limang taon na raw siyang nagbabayad ng mga kautangan sa mga investor at client niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nase-settle ang P35 million.

Ang mabigat raw talaga ay ang interest sa mga loan niya sa naturang negosyo.

Baka Bet Mo: Sherilyn Reyes nakikipaglaban sa sakit na ‘shingles’: I wish to never experience this again

“Kasi 2019 kami na-swindle, eh pandemic, tapos 2021 nagkaroon ako ng isang show, 2022 isang show, then 2023 isang show.

“So sa sobrang laki ng na-swindle sa akin, sa tingin mo kaya ko ‘yon sa tatlong show lang?” ang kuwento ni Sherilyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sherilyn Reyes-Tan (@sherilynrtan)


Ayon sa aktres, isinanla pala ng kliyente niyang doktora ang mga ginegetsing na bag sa kanya sa isang pawnshop hanggang sa naremata na nga raw ang mga ito.

Ipinagpe-pray ni Sherilyn na sana’y makumpleto na nila this year ang pagbabayad sa kanilang mga utang. Sa tantiya niya ay nasa P10 million pa raw ito.

Kuwento pa Sherilyn, ipinahiram daw muna sa kanya ng anak na si Ryle Santiago ang lahat ng savings nito para makatulong sa pagbabayad.

Babayaran din daw niya ang anak kapag nakaluwag-luwag na sila at kapag na-settle na niya ang kabuuang P35 million na na-swindle sa kanya.

Baka Bet Mo: Bakit hindi mahilig magregalo si Xian ng mamahaling bag kay Kim?

Sa tanong naman kung naasan na ang nang-scam sa kanya, “’Yung girl nasa States, ‘yung pinaka-pawnshop na involved, nandito lang. Malaking pawnshop siya actually.

“Hindi ko kasi alam, hindi namin alam mga reseller. We didn’t know na ang mother company pala nu’ng isang kumpanya ay pawnshop.

“Pinapasok du’n ‘yung bags hanggang sa parang inipit na nila ‘yung tao,” paliwanag pa niya.

“Nasa DOJ ‘yung kaso namin. Two years na, magti-three years na ngayong October. Pwede kang maging hopeless but still you are hopeful na sana may mangyari sa kaso,” sabi pa ni Sherilyn sa naturang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ngayon si Sherilyn bilang isa sa mga host ng public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko” kasama sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak at AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending