Bakit hindi mahilig magregalo si Xian ng mamahaling bag kay Kim? | Bandera

Bakit hindi mahilig magregalo si Xian ng mamahaling bag kay Kim?

Reggee Bonoan - May 17, 2021 - 04:32 PM

SA part 2 ng designer handbag collection vlog ni Kim Chiu ay ipinakita na niya kung anu-ano ang mga regalo sa kanya ni Kris Aquino.

Kabilang riyan ang isang pink Prada sling bag at Hermes reversible bag na dalawang taon nang nasa kahon at hindi niya inilalabas para gamitin.

Kuwento ni Kim, “Ito ang matagal n’yo nang tinatanong na after two years nakaganito lang (nakasupot at nasa box). Hindi ko pa rin talaga ginagamit gusto ko ganyan lang kung paano ito ibinigay sa akin.”

Habang binubuksan ni Kim ang box, ang sabi niya, “Hindi ko nga alam bakit hindi ko pa ginagamit, pag nagkita kami in the future gagamitin ko ‘to.

“Ito na! Dyaran! it’s an Hermes reversible bag, nababaligtad, puwedeng light, eto, bagay sa maong (jeans) at white (shirt).

“Promise ko sa inyo gagamitin ko ito kapag nagkita kami ni Madam Krissy hopefully soon. Ate, thank you,” sabi ng dalaga.
Ini-reveal naman ni Kim ang mga regalo sa kanya ng boyfriend niyang si Xian Lim.

“Ang gusto kasi niyang iregalo sa akin travels (sagot lahat ng aktor), collecting memories siyang tao. Sa tagal naming magkasama parang na-realize namin na mas importante pala ‘yung moments together memories.

“Language of love niya is the time, effort, mga surprises. ‘Yung material things parang last (priority) na niya ‘yun,” kuwento ni Kimmy.

Dagdag pa ng aktres, “But since nasa bag tour tayo, ipapakita ko sa inyo kung ano yung mga binigay niyang bag. Ito ang pinakaunang bag na ibinigay niya nu’ng nanliligaw palang siya sa akin (black Alexander Wang).

“So this is the black one (bulong ni Kim, bakit black hindi naman ako mahilig sa black) at ang laki pa para akong doktora, but not complaining.

“Tapos may sinyut siya sa Thailand tapos nasa airport siya sabi niya, ‘may pink ka na bang Prada na bag?’ Sabi ko wala, bakit? Nagtatanong lang daw siya. Hindi naman ako nag-expect ng anything tapos nu’ng umuwi siya, dito siya dumiretso sa bahay.”

Sabay kuha ng Prada pink bag, “Dyarann! l Literal na pink talaga kaya nu’ng nakita ko everyday kong ginagamit dati, I like it so much.  Favorite color ko, gusto ko pink lahat. Tapos nasulatan ng ballpen dati, hindi ko alam kung paano tatanggalin. At least nalaman niya (Xian) na lagi kong ginagamit dati.”

Dalawang bag ang regalo ni Xian sa girlfriend niya at ang iba ay alahas na at sabi nga ni Kim, travels na sagot lahat ng binata ang gastos pati ang itinerary ay siya rin ang nag-aayos.

Samantala, inamin ni Kim na impulsive buyer siya dahi kapag may nagustuhan siyang style ng bag ay binibili niya ang lahat ng kulay at base sa ipinakita niya ay mayroon siyang dalawang pares na tigtatlong kulay na iisa ang disensyo.

“Iniiwasan ko na talaga ang sakit ko na ‘yun na bumili ng isang design na bag pero iba-iba ang kulay,” say ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At noong 2020 ay good girl daw siya dahil wala siyang biniling bag at hopefully ngayong 2021 ay wala rin dahil marami pa siyang hindi nagagamit na nasa loob lang ng kanyang closet.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending