Daan-daang nanay sabay-sabay nagpasuso | Bandera

Daan-daang nanay sabay-sabay nagpasuso

AFP - August 06, 2018 - 08:00 AM

NAGPAKITA ng kanilang pagsuporta sa breastfeeding campaign ang ilang daang mga nanay sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagpapasuso sa kani-kanilang mga anak sa publiko.

Sa isinagawang mass brestfeeding event na naglalayong matigilo mabawasan ang mortality rate sa mga sanggol, mahigit sa 1,500 mga nanay ang nagsama-sama para magpasuso ng kanilang mga anak, ang ilan ay dalawang anak ang pinagsabay pang pasusuhin, habang nasa harap ng publiko.

May kanya-kanya pang gimik ang ilang mga ina na nagsuot ng tiara at superhero t-shirts bago nagsiupo sa sahig ng isang stadium sa Maynila at sabay-sabay na nagpasuso sa kanilang mga anak sa saliw ng isang dance music.

“Breastfeeding is love. It is difficult, but we do it for love,” sabi ni Abegirl Limjap, 38-anyos na buntis na property manager na naka-“Super Mom” costume habang bine-breastfeed ang kanyang dalawang lala-king anak na may edad na 5-taon at 11-buwan.

Layunin ng taunang pagtitipon na makuha ang suporta ng publiko sa kampanya ng gobyerno na makumbinsi ang mas maraming ina na lumipat sa breast milk mula sa infant formula, ayon sa isa sa mga nag-orga-nisa na si Rose Padua.

Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund ang esklusibong pagbi-breastfeed sa mga sanggol mula sa pagkapa-nganak hanggang unang anim na buwan.

Sa buong mundo, tatlo sa limang sanggol ang hindi nabibigyan ng breast milk, kayat mas mataas ang tsansa ng pagkamatay o mga sakit, dagdag pa ng dalawang ahensiya ng UN sa isang report sa unang bahagi ng taon.

Ayon sa datos, 27 mga bata sa kada 1,000 sa Pilipinas ang namamatay bago pa man sumapit sa limang taon noong 2016, ayon pa sa datos ng WHO.

Batay sa pagtaya ng WHO at UNICEF, kalahati lamang sa mga sanggol na Pinoy ang bine-breastfeed noong 2013, na halos walang pinag-iba sa 46 porsiyento noong 2003.

“It’s an empowering moment,” sabi ng first-time na nanay na si Joyce Balido, 29, habang karga ang kanyang 4-buwang sanggol na babae sa isinagawang mass breastfeeding event.

“It was very difficult to establish a milk supply at first. I am sleep-starved but I committed myself to have my daughter exclusively breastfed,” sabi ni Balido, na isang engineer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umabot sa 61 na iba pang mass breastfeeding events ang isinagawa sa iba pang bahagi ng Pili-pinas ngayong weekend, sabi pa ni Padua.

Naniniwala si Padua na inaasahang mabubura ng bansa ang naitalang rekord noong isang taon kung saan umabot sa 4,775 mga nanay ang sabay-sabay na nagpa-breastfeed sa 25 events.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending