HANDA ang gobyerno na i-extradite sa United States ang pamilya ng umano’y reyna ng pork barrel fund scam na si Janet Lim Napoles para harapin ang kaso matapos umanong ipuslit ang $20 milyon sa US mula sa Pilipinas.
Ito’y matapos kasuhan si Napoles at iba pa, kabilang na ang mga anak na sina Jo Christine, James Christopher, at Jeane Catherine, ganun din ang kapatid na si Reynaldo at misis nitong si Ana Marie, ng isang federal grand jury dahil sa conspiracy sa money laundering, domestic money laundering, at international money laundering.
“We have been collaborating with the US Department of Justice (DOJ) on this money laundering charges against Napoles,” sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
“We welcome this development as it paves the way for the return of the people’s money to our national treasury,” ayon pa kay Guevarra.
Sinabi ni Guevarra na inaasahan niya ang pag-aksyon ng kanyang US counterpart sa extradition ni Napoles at kapamilya.
“Until the case against [Janet Lim] Napoles in the Philippines have been resolved and terminated, we cannot extradite her to the US,” sabi ni Guevarra.
Kasalukuyang nakakulong si Napoles sa Camp Bagong Diwa at nahaharap sa mga kasong plunder at graft sa Sandiganbayan kaugnay ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
“If we receive a request for extradition and they are here, we will commence the necessary proceedings,” ayon pa kay Guevarra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.