Pacman ginagamit ng sindikato sa socmed; pagbibigay ng 'balato' fake news | Bandera

Pacman ginagamit ng sindikato sa socmed; pagbibigay ng ‘balato’ fake news

Ervin Santiago - July 18, 2018 - 12:30 AM

NAGLABAS ng official statement si Sen. Manny Pacquiao tungkol sa kumalat na balita na mamimigay siya na balato sa pamamagitan ng isang pa-contest sa social media.

Isang malinaw na fake news daw ang nag-labasang balita sa socmed at sa iba pang internet sites kaya huwag daw magpapaloko at magpapabiktima ang mga Pinoy sa modus na ito.

Narito ang opisyal na pahayag ni Pacman hinggil sa isyu: “Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkaka panalo.

“Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ito. Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita. Salamat po,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending