Aide ng mayor ng Masbate patay matapos pagbabarilin habang nagpapastol ng baka
INIIMBESTIGAHAN na ng mga pulis mula sa Masbate ang pagpatay sa private bodyguard ni Uson, Mayor Salvadora Sanchez, matapos pagbabarilin habang nagpapastol ng mga baka.
Pinatay si Charlie Moncada, 51, residente ng Barangay Madao, Uson at private security aide ni Sanchez, ganap na alas-3 ng hapon noong Miyerkules ng hindi pa nakikilalang mga salarin, ayon kay Senior Inspector Maria Luisa Calubaquib, spokesperson of Bicol police.
Sinabi ni Calubaquib na nagpapastol ang biktima ng kanyang baka sa isang sakahan malapit sa kanyang tirahan nang siya ay pagbabarilin ng tatlong suspek, dahilan ng kanyang pagkamatay.
Idinagdag ni Calubaquib na inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay.
Ayon kay Calubaquib, base sa inisyal na ulat, kabilang sa sinisilip na Angulo ng mga imbestigador ay politika, may kaugnayan sa New People’s Army at personal na galit.
“It (incident) is still under the police investigation and the victim is
not a violent person, hence, he doesn’t have an enemy whatsoever,” sabi ni Sanchez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.