Du30 tuloy ang banat sa Simbahan sa kabila ng pangakong moratorium | Bandera

Du30 tuloy ang banat sa Simbahan sa kabila ng pangakong moratorium

- July 10, 2018 - 07:06 PM

MULING bumanat si Pangulong Duterte sa Simbahan at sa Diyos sa kabila nang naunang pahayag ng Palasyo na nangako ng moratorium ang presidente matapos makipagpulong kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Davao Archbishop Romulo Valles.

“Huwag mong isali ang Diyos mo doon sa platform of your criticism on your attack. Because when I answer, pagka sinali mo sa issue — sinali mo ang Diyos, p****** i** patayin…I have the right to answer. There is a separation of powers. Why are you f***** the name of the Lord against me? So pagsagot ko, since ang forefront mo Diyos, eh bakit ka maghinakit diyan kung sabihin ko…,” sabi ni Duterte sa isang pahayag sa Pampanga.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiniyak ni Duterte kay Valles na hindi muna babanat sa Simbahan matapos ang one-on-one meeting sa Malacanang, Lunes ng hapon.

“Because I am now forced to recreate a design of my God na hindi ko magawa ng ganun. Ang Diyos ko forgiving, ang Diyos ko hindi bastos. Ang Diyos ko hindi nagmumura. As a matter of fact, ang Diyos ko walang sinasabi except the 10 commandments. Wala, wala siyang….,” dagdag pa ni Duterte.

“And then when you use God to say that I’ll go to hell. You know my God never created hell. Because if He created hell, He must be stupid God. My God is not stupid to create man just to burn him in hell. Hindi ako naniniwala ng ganun eh. I do not believe in heaven,” ayon pa sa pangulo.

Muli pang inulit ni Duterte ang pangakong magbibitiw sakaling makapagpakita ng selfie sa Diyos.

“Ngayon kung may tao na pumunta doon sa heaven, magdala ka ng anong gusto mong camera, maski ‘yang mura diyan sa Quiapo. I-selfie mo lang ang Diyos, kayong dalawa pakita mo sa akin, ‘Ito ‘yung Diyos,” sabi ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending