Konsehal patay, 4 pa sugatan sa pamamaril sa Lanao del Sur
PATAY ang isang konsehal sa Kapatagan, Lanao del Sur, samantalang sugatan ang apat na iba pa matapos namang silang ratratin ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki sa Barangay Poblacion, bayan ng Balabagan, Lanao del Sur.
Kinilala ng pulisya ang nasawing konsehal na si Nassif Palawan Basil, 31. Sugatan naman ang dating barangay chairman na si Alvin Abdullah Sampiano, Bibi Disalongan, Topa Disalongan at Bensuod Mangigin.
Nasa bahay ang mga biktima ni dating Balabagan Mayor Hadji Amer Sampiano nang pumasok sa loob ng compound ang limang armadong lalaki sakay ng asul na Toyota Tamaraw FX, at pinaputukan ang mga biktima, ayon pa sa pulisya.
Sinabi ni Senior Inspector Jemar Delos Santos, information officer ng Police Regional Office sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO ARMM), patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.