Coco, Yassi pinaiyak ang madlang pipol sa 'Ang Probinsyano' | Bandera

Coco, Yassi pinaiyak ang madlang pipol sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan |July 02,2018
facebook
share this

Coco, Yassi pinaiyak ang madlang pipol sa ‘Ang Probinsyano’

Reggee Bonoan - July 02, 2018 - 12:01 AM

PAHIGPIT nang pahigpit ang pagkapit ng mga manonood sa takbo ng pag-iibigan nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa FPJ’s Ang Probinsyano matapos umani ng sari-saring papuri ang episode ng serye noong Miyerkules.

Sa naturang episode, mu-ling sinariwa ng mag-asawa ang kanilang masayang nakaraan na nauwi pa sa iyakan nang balikan din nila ang alaala ng kanilang namayapang anak.

“’Yung episode ngayon sobrang relate ako. Ganyan kami ng asawa ko. Nag-aaway, pero mamaya mag-aaya uminom. Maya-maya maglalabasan na naman ng sama ng loob. Pero nandoon pa rin ‘yung love kahit anong mangyari,” tweet ni @cocoyassm_Ksa.

“Grabe ang husay nilang dalawa. Dinaig niyo pa ang mga batang love team. Mas real ‘yung sa inyo,” papuri ng Instagram user na si @luvnesgudmalin.

“Nakakaiyak ‘yung scene nina Cardo at Alyana. I feel the pain. I am still waiting for your happy ending,” sabi naman ni @babasept10.

Magkabalikan na nga kaya sina Cardo at Alyana?

Tutukan sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending