Piolo game na game umeksena sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco: Why not?!
GAME na game mag-guest si Piolo Pascual sa hit Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin ngayong patapos na ang kanilang serye na “Pamilya Sagrado.”
Bongga ang first collaboration ng dalawang premyadong aktor sa “Pamilya Sagrado” kung saan si Coco ang nagdirek ng mga action scenes para sa finale ng programa next week.
“I’ve always wanted to work with Coco. He’s incredibly committed and collaborative. When he stepped in to direct some of our scenes, his dedication was evident.
“It was inspiring to be directed by someone with such a clear vision and I hope we get to work on a project one day, given the right script,” ang pahayag ni Piolo nang makachikahan namin kamakalawa at ng ilang piling members ng press.
Baka Bet Mo: 2 magandang aktres ‘nagkakamabutihan’ na?; ‘Pamilya Sagrado’ puno ng pasabog
Sabi pa ni Papa P, nag-usap nga raw sila ni Coco tungkol sa possible guesting niya sa “Batang Quiapo” at sana ay matuloy ito in the near future.
View this post on Instagram
Samantala, level-up na makapigil-hiningang mga komprontasyon ang masasaksihan ng mga manonood sa huling dalawang linggo ng “Pamilya Sagrado.”
Mangyayari na ang pinakainaabangang paghaharap nina Piolo, Grae Fernandez, at Kyle Echarri, sa isang maaksyong labanan para sa hustisya na mula nga sa special guest director na si Coco Martin.
Malaking dagok ang haharapin ni dating pangulong Rafael (Piolo) dahil isasakripisyo na niya ang kanyang buhay upang mabuwag ang sigalot sa pagitan ng kanyang mga anak na sina Justin at Moises (Grae at Kyle).
Pero mukhang madadagdagan pa ng panibagong kalaban si Rafael kay Moises matapos siyang siraan ni Justin sa pagsisinungaling na si Rafael mismo ang pumatay sa nanay ni Moi na si Cristine (Bela Padilla).
View this post on Instagram
Iigting pa lalo ang labanan ng magkakadugo dahil idadaan ni Jaime (Tirso Cruz III) sa karahasan ang kanyanag patong-patong na problema sa pamilya, habang si Eleazar (John Arcilla) naman ay madadawit sa gulo sa pagtulong niya kay Rafael.
Hindi rin makakaligtas sa panganib ang pamilya ni Moises na sina Estong at Grace (Joel Torre at Shaina Magdayao) sa kanilang pagsugod sa kalaban alang-alang sa kaligtasan ni Moises.
Sino ang matitirang buhay para sa laban ng hustisya? Mareresolba pa kaya ni Rafael ang problema para magkaayos ang mga anak niya?
Huwag palampasin ang pasabog na pagtatapos ng “Pamilya Sagrado” sa November 15, 9:30 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.