GINAWARAN ng parangal ang 100 taong gulang na tattoo artist na si Apo Whang-Od dahil sa hindi matatawarang kontribusyon nito sa kultura ng Pilipinas.
Pormal na tinanggap kamakalawa ni Apo Whang-Od mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Cultural Heritage.
Ginanap ang awarding rites sa Kalinga Capitol Plaza, Tabuk, Kalinga na dinaluhan ng ilang opisyal ng NCAA at local government ng Tabuk. Ilan sa mga celebrity na present sa makasaysayang event ay si Raymart Santiago.
Nag-post pa ang aktor ng litrato nila ng kilalang tattoo artist matapos siyang tatuan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.