Raymart, Claudine nagkita sa 20th b-day ni Sabina

Raymart, Claudine nagkita sa 20th b-day ni Sabina; Santino hawig ni Rico?

Reggee Bonoan - July 04, 2024 - 02:26 PM

Raymart, Claudine nagkita sa 20th b-day ni Sabina; Santino hawig ni Rico?

DUMALO ang aktor na si Raymart Santiago sa 20th birthday ni Sabina Natasha Santiago, ang panganay nila ni Claudine Barretto na ginawa sa White Barn Events Place kamakailan.

Si Sabina ang adoptive child ng estranged couple Raymart at Claudine bago dumating ang anak nilang si Santino turning 17 ngayong July 19.

May dalawa pang adopted si Claudine after nilang maghiwalay ni Raymart, sina Quia at Noah.

Base sa mga larawang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ay iilan lang ang dumalong celebrities tulad ng co-stars niya sa “Home Along Da Riles” tulad nina Nova Villa, Boy 2 Quizon at iba pa.

Maraming nagulat na netizens kay Santino dahil puwedeng matinee idol pero tulad ng sinulat namin dito sa BANDERA kamakailan ay hindi type ng binatilyo ang umarte sa harap ng kamera, mas bet niyang magdirek tulad ng Lolo Pablo Santiago niya, at mga tito na sina Rowell at Randy Santiago.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto nakatampuhan nga ba ang anak na si Santino dahil sa ipinost niyang litrato sa socmed?

Inamin din ni Claudine na maraming commercials na ino-offer kay Santino pero ayaw ng anak kaya mega-aral lang muna ang ginagawa nito sa isang international school at mas bet din ng panganay niyang si Sabina ang tapusin ang pag-aaral kesa mag-showbiz din.

Going back to Santino ay napansin ng netizens na tila hawig ito sa namayapang aktor na si Rico Yan. Narito ang mga nabasa naming komento tungkol kay Santino.

“Napakagwapo ni Santino parang si Rico Yan.”

Sabi ni Yan Bangoy, “Ang gwapo ni Saint.”

Mula kay Romely Lusoc, “Hala ang gwapo ng anak ni Claudine.”

May nakapansing mas kamukha o mana ang binatilyo sa ina na tinitigan din namin at totoo nga, tila walang nakuha sa amang si Raymart.

Ayon kay Lotis MelleboDaang, “Mana ni Claudine SI Santino.”

Sang-ayon din si Mary Jane Quiambao Guintu, “Pogi ni santino kmukha ni miss Clau.”

Inakala naman ni Chell Chua na iniintriga ng netizens ang mag-anak, “Respect nlng ano MN gsto nla gwn… importante kumpleto cla s bday ng eldest daughter nla wg ng intrigahin.”

Si Santino raw ang lalaking version ni Claudine sabi ni Jazzselenn Zerna, “Claudine boy version tapos ‘yung ‘yung girl (Sabina) kay Raymart ang mukha.  Just saying.”

May nagsabi namang hawig ni Aga Muhlach si Santino, say ni Mariam Agonon “Kala ko anak ni Aga (Muhach) kamukha na kasi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga Barretto raw nakuha ni Santino ang looks niya sabi ni Nancy Espiritu, “Kumuha sa Barretto si Santino.”

Sey naman ni Rose Guanizo, “Hala gwapo naman anak ni Claudine, ano pala kung si Rico Yan nanging ama?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending