Ang kwento ng OFW at ang kanyang 8 credit cards | Bandera

Ang kwento ng OFW at ang kanyang 8 credit cards

Susan K - June 20, 2018 - 12:10 AM

NAPAKADALING mangutang sa ibayong dagat. Napakadali ring kumuha ng credit cards. Halos ipinagpipilitan pa iyon sa iyo ng mga bangko roon.

Ito ang karanasan ni Jeremy sa Dubai. Mayroon siyang walong credit cards. Wala raw kasing kahirap-hirap na mag-apply doon.

At dahil maraming credit cards ay hindi niya alintana ang credit limit, sky is the limit ang ginawa niyang paggasta.

Lahat ng bawat naisin ni Jeremy ay nabibili niya. Galante rin siya. Madalas din siyang manlibre ng mga kaibigan.

Pero sabi nga, pala-ging may hangganan ang lahat ng bagay. Natuklasan ni Jeremy isang umaga na baon na pala siya sa utang. Lahat ng sinusuweldo niya ay kulang pa sa kalahati para ipambayad sa mga inutang niya. Halos pagkasiyahin na lamang niya ang natitirang cash sa bulsa para sa renta ng tinutuluyan at pangkain sa araw-araw.

Wala na rin siyang maipadalang sustento sa pamilya. Paano ba naman ay nagbuhay-binata ang OFW.
Gustuhin man niyang umuwi ng Pili-pinas ay hindi niya magawa. May nakapagsabi sa kanya na hindi siya basta-basta makalalabas ng airport. May hawak na rekord ang Immigration kaya pwede nilang i-hold ang isang pasahero na may atraso sa mga bangko.
Ngayon ay baliktad na ang situwasyon–si Jeremy na ang pinadadalhan ng pera ng kanyang pamilya u-pang may maipambayad sa kanyang tirahan at konting panggastos habang ang kinikita niya ang ginagawang pambayad sa credit cards.

Iba naman ang na-ging kaso ni Ernesto, OFW sa Jeddah, nang ma-hold siya sa airport habang pauwi ng Pili-pinas.
Ayon sa immigration, lumabas sa rekord na may utang si Ernesto noon pang 2014.
Pilit inalala ng OFW ang naturang utang. Ang alam niya ay buo na niyang nabayaran ang 3,000 Saudi Rial na inutang niya noon para ipampagawa ng kanilang bahay.
Laking-gulat niya nang malamang 15,000 SR o P200,000 na ang utang niya dahil sa mga penalty at interest nito.
Sabi ni Ernesto, may ahenteng kumukolekta ng kanyang bayad at ang collector na iyon ang hindi nag-remit ng kanyang mga inihuhulog.
Agad dumulog si Ernesto sa Konsulado ng Pilipinas upang humi-ngi ng tulong.
Wala namang ibang solusyon sa problema, ayon sa konsulado, kundi habulin ni Ernesto at papanagutin ang ahente kung makikita pa niya. Kung hindi naman ay mapipilitan siyang bayaran ang sinasabing utang upang malinis ang kanyang pangalan at makabalik ng Pilipinas nang walang inaalalang problema pagdating sa airport.
Kaugnay nito, nanawagan at nagpaalala si Consul Gene-ral Edgar Badajos sa a-ting mga kababayan na kung maiiwasan ay huwag na sanang mangutang sa Saudi Arabia.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapa-kinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending