15 bahay natupok sa sumabog na cellphone charger sa Zambo
NASUNOG ang 15 bahay matapos namang sumabog ang isang cellphone charger, na pinagmulan ng sunog sa Barangay Talon-talon, Zamboanga City ganap na alas-10:45 ng umaga, base sa inisyal na ulat ng pulisya.
Sinabi ni Supt. Jhufel Brañanola, Zamboanga City fire marshal, na base sa imbestigasyon, napabayaang cellular phone charger sa loob ng bahay ng isang Lucia Duran ang pinagmulan ng sunog.
“(It) overheated and exploded,” sabi ni Brañanola.
Idinagdag ni Brañanola na nasunog ang 15 bahay, kasama na ang kay Duran sa Little Tondo sa Talon-talon Loop.
“No one was reported hurt in the fire that raged for about an hour and left some P500,000 in damages,” dagdag ni Brañanola.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.