Hiling ng fans sa Regal: Pagsamahin sana sa pelikula sina Maine at Maria | Bandera

Hiling ng fans sa Regal: Pagsamahin sana sa pelikula sina Maine at Maria

Jun Nardo |May 17,2018
facebook
share this

Hiling ng fans sa Regal: Pagsamahin sana sa pelikula sina Maine at Maria

Jun Nardo - May 17, 2018 - 12:01 AM


PINATUNAYAN ng AlDub Nation na deserving sina Maine Mendoza at Alden Richards na maging number one loveteam sa Twitter world, base na rin sa inilabas na official statement ng Twitter Philippines

Aba, sa gamit na hashtag ng AlDub Nation, ang #ALDUB34thMonthasary, number one ito sa trending topic kahapon na may 486,000 tweets na! Hiling ng loyal fans ng dalawang Dabarkads, paabutin ang tweet sa 500K bago mag-Eat Bulaga, huh!

Pinataob ng nasabing hashtag ang iba pang hashtags na gamit kahapon gaya ng #Senate, #Ombudsman at iba pa.

Samantala, sa thank you dinner na inihandog ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde dahil sa success sa takilya ng Mother’s Day offering nitong “My 2 Mommies,” may nag-suggest kay direk Eric Quizon na bagay pagsamahin sa isang movie sina Maricel Soriano at Maine.

Magaling sa comedy at drama si Marya habang si Meng naman ay gamay na gamay na ang pagiging kikay sa Eat Bulaga.

Solved naman si Eric sa idea na ito so kapag matutuloy ang project, wala namang magiging problema na kunin ng Regal si Meng dahil kaibigan ni Mother Lily ang manager ng Dubsmash Queen na si Tony Tuviera.

Speaking of “My 2 Mommies”, pa-thank you dinner pa rin ng Regal, present ang lead actor ng pelikula na si Paolo Ballesteros. Siyempre, masayang-masaya ang TV host-comedian sa success ng kanilang movie.

Pero ang bad news, may iniinda palang karamdaman ngayon si Pao. Kamakailan ay nag-post siya sa Instagram ng tungkol sa iniinda niyang sakit sa spine or ang tinatawag na slipped disc.

Ayon sa emedicinehealth.com, ang slipped disc ay, “a condition whereby portions of an abnormal, injured, or degenerated disc have protruded against adjacent nerve tissues..”

Kailangang mag-ingat na ngayon si Pao sa mga ginagawa niyang intense activities at dapat ipagamot na niya agad ang kanyang likod para hindi na ito lumala.

q q q

Binigyan ni Lovi Poe ng box of chocolates ang kaibigang si Heart Evangelista para i-celebrate ang pagbubuntis ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

May kasamang maiksing note ang gift ng Kapuso Primera Aktresa, “Heart, this journey will be much better with chocolates. I’m with you every step of the way.”

After ilang years of marriage with Sen. Chiz, isa si Lovi sa nagbunyi sa pagiging mother ni Heart. Sa parte naman ng Kapuso Sweetheart, nangako naman siya sa kanyang Instagram followers na magiging aktibo siya sa pagbibigay ng updates sa kanyang kalagayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ngayong Friday ang finale ng GMA series ni Lovi na The One That Got Away. Just like the other stars na naging bahagi ng tagumpay na series, may feeling na ng separation anxiety ang aktres lalo na’t markado sa televiewers ang dayalog niya sa mga kanyang mga eksena na, “Hoy, bakla!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending