Oral health tips na dapat mong tandaan | Bandera

Oral health tips na dapat mong tandaan

- May 14, 2018 - 08:00 AM

MAHALAGA na mapanatili nating malusog ang ating bibig at kasama dyan ang ating ngipin at gilagid.

Narito ang ilang oral health tips na dapat mong malaman para maging healthy ang iyong teeth at gum.
Panatiliin ang iyong oral hygiene habit

Mula pagkabata ay tinuruan na tayo ng tamang gawi para manatiling malusog ang ating bibig at ito ay ang pagsisipilyo, pagmumumog at paggamit ng dental floss. Kaya mahalaga na mapanatili natin ang nakaugaliang ito hanggang pagtanda para hindi masira ang ating ngipin. Kapag nakalimutan nating gawin ang mga ito ay dahan-dahang sisirain ng mga namuong plaque ang iyong ngipin. Kaya mahalagang magsipilyo sa umaga at bago matulog sa gabi para maiwasan ang pamumuo ng plaque at pagkakaroon ng tooth decay.

Gumamit ng tamang toothbrush

Depende sa kalusugan ng iyong bibig, mahalagang makausap mo ang iyong dentista tungkol sa tamang uri ng toothbrush na dapat mong gamitin. Halimbawa na rito ang tao na may braces na kailangang gumamit ng espesyal na toothbrush at ang mga maliliit na bata na kaila-ngan ang mas malambot at maliit na sipilyo para malinisan ang kanilang mga ngipin.

May dalawang klase ng toothbrush na puwede mong pagpilian at ito ay ang manual at electric brush.

Parehong nakakalinis ito ng iyong ngipin ngunit nasa iyo kung ano ang nais mong gamitin at kung ano ang irerekomenda ng iyong dentista. Ang mahalaga ay tama at ligtas ang ginagamit mong toothbrush at rekomendado ito ng mga dental expert.

Huwag mo ring kalimutan na magpalit ng iyong toothbrush kada tatlong buwan o kapag nababaluktot na ang mga bristle nito. Hindi na kasi magiging maayos ang paglilinis ng iyong ngipin kapag wala na sa ayos ang mga bristle ng iyong toothbrush. Panatilihin ding malinis ang iyong toothbrush at ugaliing hugasan ito ng mabuti.

Magsipilyo at mag-floss ng tama

Tama lang na magsipilyo bago matulog at pagkagising sa umaga subalit dapat alam din natin ang tamang paraan para malinis natin ng mabuti ang ating mga ngipin gamit ang ating toothbrush at floss.

Kung magsisipilyo, dapat ay nasa 45 degree angle ang iyong toothbrush at dahan-dahan na sipilyuhan ang iyong ngipin. Siguraduhin din na ang loob at labas ng iyong ngipin ay nasipilyuhang mabuti.

Magsipilyo rin ng iyong dila para maalis ang bacteria at maging malinis ang iyong hininga
Kung gagamit ng floss, gumamit ng 18 hanggang 24 pulgadang dental floss para malinis ang iyong ngipin.

Gumawa ng C shape sa paligid ng bawat ngipin at dahan-dahan na linisin ang iyong gilagid. Iwasan din na lagutin ang floss sa iyong gilagid.

Huwag kalimutan ang dental check-up

Mahalaga na bumisita sa iyong dentista hindi lang para sa oral exam at regular cleaning kundi dahil krusyal ito sa kalusugan ng iyong bibig. Kapag iniiwasan natin ang pagpunta sa dentista nalalagay sa panganib ang ating sarili. Ang dentista kasi ang nakakatulong para mapanatiling malinis ang iyong ngipin at sinusuri rin nila kung mayroong mga senyales na may problema na o karamdaman ang ating bibig.

Kung mayroong sensitibong ngipin, namamagang gilagid o anumang problema sa iyong bibig mahalagang magpatingin na sa dentista bago ka malagay sa panganib.
Magkaroon ng healthy diet

Batid natin na ang healthy diet o malusog na pagkain ay nakakatulong para magkaroon ng malusog na katawan kaya naman nakakatulong ito para maging matibay ang iyong ngipin. Kaya naman inirerekomenda na kumain ng mga pagkain na sagana sa protina, mga dairy product tulad ng yogurt, prutas, gulay at nuts. Ugaliin din ang pag-inom ng tubig kaysa sa mga matatamis na inumin. Ang pag-inom ng tubig buong araw lalo na kapag kumakain ay nakakatulong para patuloy na malinis ang iyong ngipin sa mga tinga.

Iwasan ang mga sugary at acidic drink

Ang sugar o asukal ang pangunahing may kasalanan sa pagkakaroon ng tooth decay. Ito kasi ay sanhi ng bacteria sa bibig na gumagawa ng mga acid mula sa sugar galing sa ating inumin at pagkain na tumutunaw at sumisira sa ngipin. Kaya mas mabuti na umiwas sa mga sugary at acidic drink para protektahan ang enamel ng ngipin. Kaya dapat lang na bawasan ang pag-inom ng soda, energy drink at fruit juice.

Bawasan ang pagkain ng mga starchy food

Maliban sa sugar o asukal, ang mga starchy food ay naghahatid ng malaking problema sa kalusugan ng iyong bibig. Ang mga starch ay nagdudulot ng bacteria sa i-yong bibig na gumagawa ng mga acid at kabilang sa mga pagkain na ito ang potato chips at tinapay na kumakapit sa ngipin. Iwasan ang pagkain ng mga starch-heavy food bago matulog at siguraduhin na magsipilyo at mag-floss para hindi ito kumapit sa iyong ngipin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tigilan na ang paninigarilyo

Ang paninigarilyo pati na rin pagnguya ng tobacco ay nagiging dahilan ng pinsala sa iyong ngipin. Ang madalas na paggamit nito ay nagiging sanhi ng tooth discoloration at nagdudulot ng gum disease at oral cancer. Ang paninigarilyo at pagnguya nito ay nagpapahina ng kapit ng iyong ngipin at sumisira ng gum tissue. Kaya naman ang pagtigil sa paninigarilyo ay mahalaga hindi lang para sa kalusugan ng iyong ngipin kundi pati na rin ng iyong buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending