Ricky Davao kay Barbie Forteza: Isa siyang model-actress, marespeto, napakagaling! | Bandera

Ricky Davao kay Barbie Forteza: Isa siyang model-actress, marespeto, napakagaling!

Ervin Santiago |May 13,2018
facebook
share this

Ricky Davao kay Barbie Forteza: Isa siyang model-actress, marespeto, napakagaling!

Ervin Santiago - May 13, 2018 - 12:05 AM


PWEDENG-PWEDE nang tawaging RomCom Princess ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.

In fairness, lahat ng gawing proyekto ni Barbie sa GMA ay panalo sa puso ng manonood at sa ratings game. Pagkatapos nga ng hit primetime series niyang Meant To Be, muling magpapasabog good vibes at kilig ang dalaga sa bagong GMA Telebabad sere na Inday Will Always Love You simula sa May 21.

Produced by GMA News and Public Affairs, bongga ang bagong romcom series ni Barbie dahil kinunan pa ang mga highlights nito sa Queen City of the South, ang Cebu. Dito ipakikita ang magiging buhay ng Manileña girl na si Happylou Magtibay (Barbie) at ang pakikipagsapalaran niya sa buhay.

“Wala akong maisip na iba pang comeback na show kasi talagang binigyan ito ng effort. Teasers pa lang, kita n’yo na agad ‘yung visuals, ‘yung story relatable talaga. And natutuwa ako kasi kapag nagpo-post ako ng teasers, ‘yung mga Cebuano ang nag-comment kasi andun sila mismo. Sobrang excited sila.

Nakakatuwa kasi parang nilibot namin sila sa Cebu,” chika ni Barbie sa ginanap na presscon ng “IWALY”.
Dalawa ang magiging leading man dito ni Barbie, si Derrick Monasterio na gaganap bilang si Patrick, isang mayamang Cebuano bachelor at si Juancho Trivino playing her good friend Ernest.

Makakasama rin dito sina Ricky Davao, Manilyn Reynes, Nova Villa, Tina Paner, Kim Rodriguez, Super Tekla at ang tinaguriang “Lumen Twins” (sa isang laundry soap commercial) na sina Charisse and Charlotte Hermoso. Ka-join din dito ang New Zealand-based Pinoy vlogger and Internet sensation na si Kimpoy Feliciano, Buboy Villar at Fliptop artists Mzhayt and Price Tagg.

Ito’y sa direksyon nina Monti Parungao at Rember Gelera.

Samantala, puring-puri naman ng kanyang mga co-stars sa Inday will Always Love You si Barbie.
Sabi nga ni direk Ricky Davao, isang model-actress ang dalaga na dapat tularan ng mga kabataang artista ngayon.

“Si Barbie, nakasama ko na sa isang movie, ‘yung ‘Mariquina.’ Nanalo siya du’n, tapos eto (Inday Will Always Love You). Gusto ko lang sabihin na si Barbie is a model-actress.

“Sinabi na nga naman nilang lahat, unang-una, respectful, tahimik, sobrang tahimik kapag nagtatrabaho, pero maingay din from time to time. Seryoso sa trabaho, alam niya lahat ng gagawin, walang reklamo. Bukod pa roon, napakagaling niya, very versatile,” pahayag pa ng award-winning actor-director.

Hirit pa nito, “I’ve worked with a lot of actresses, pero si Barbie, sa age group niya, palagay ko, dapat siya ang tularan ng mga gustong sumikat. She’s a model actress of her generation.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending