Alalay na nambastos ng editor kinastigo ni Alden | Bandera

Alalay na nambastos ng editor kinastigo ni Alden

Reggee Bonoan - April 20, 2018 - 12:50 AM

ALDEN RICHARDS

DISMAYADO kami sa harap-harapang pagtabig ng handler ni Alden Richards (nangangalang Leysam Sanciangco) sa katotong si Maricris Nicasio, entertainment editor ng Hataw tabloid.

Nangyari ito sa isang event nitong Miyerkules ng hapon. Kitang-kita namin kung paano niya hinila si Alden habang iniinterbyu namin.

Inisip namin na baka hihingi pa ng dispensa ang handler ni Alden dahil baka hindi siya aware sa ginawa niya, pero hindi. Sinadya pala talaga niyang gawin ‘yun para wala nang makalapit kay Alden.

Event ‘yun at may mga imbitadong taga-media, natural may magtatanong kay Alden at wala namang masama sa itinanong ng katotong Maricris na, “Anong susunod mong teleserye?” Ngunit bigla nga siyang tinabig nitong si Leysam Sanciangco. Tama bang mambastos ng babae?

Akala namin bossing Ervin ay ang ating katoto lang ang ginawan niya ng ganito, may history na pala ang taong ito. Sa isang show ni Alden sa New Jersey ay may itinulak din daw itong senior citizen na naging dahilan kaya nagkaroon ng gulo sa nasabing event.

Alam kaya ng GMA Artist Center ang ginagawa ng handler ni Alden? Hindi ba niya naisip na si Alden ang napapasama sa mga ganitong insidente?

Nabalitaan namin na nakita pala ni Alden ang ginawa ng handler niya kaya agad niya itong kinastigo sa loob ng banyo. Ang aktor pa mismo ang humingi ng dispensa sa katotong Maricris sa pamamagitan ng text message kahapon ng umaga.

Anong hakbang ang gagawin ng GMA sa kasong ito? Hindi kasi ito nakakabuti para sa career ni Alden.

Paging GMA Artist Center: maganda ang imahe ni Alden sa publiko ngunit nanganganib itong mapasama dahil sa kabastusan ng kanyang handler.

Sa ngalan ng balanseng pamamahayag, bukas din ang pahinang ito para sa paliwanag ng handler ni Alden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending