Isang low pressure area ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong linggo. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration maliit pa ang posibilidad na maging bagyo ang LPA. Kahapon ang LPA ay nasa layong 1,540 kilometro sa silangan ng Mindanao. Kung hindi magbabago ang direksyon nito, papasok ito sa PAR sa loob ng isa o dalawang araw. Wala pa itong direktang epekto ang LPA sa bansa. Inaasahan naman ang lalong pag-init ng panahon dahil sa Amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.