Marvin nabaliw sa unang sabak sa pagdidirek ng Magpakailanman: Grabe, nakakapagod pala! | Bandera

Marvin nabaliw sa unang sabak sa pagdidirek ng Magpakailanman: Grabe, nakakapagod pala!

Jun Nardo - April 13, 2018 - 12:40 AM

MARVIN AGUSTIN

NAKATIKIM ng hirap at matinding challenge si Marvin Agustin sa una niyang pagsabak sa TV directing.

Siya ang nagdirek sa bagong episode ng Magpakailanman kung saan tampok ang love story nina Will Dasovich at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.

“TV directing is one of the most tiring, emotionally, mentally and physically but very, very, very fulfilling jobs one will do.

“Thank you to my actors, staff (producers & pd peeps) and technical crew — cameramen, tech and lighting director! I should have not done it without you guys. @GMA Network thank you for the trust.

Now time to edit and sore #wilodia @magpakailanmanGMA,” post ni Marvin sa kanyang Instagram.

Sina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez ang gumanap bilang Will at Alodia. Nagparating naman ng pasasalamat si Tom kay direk Marvin.

“Thank you for an awesome experience, Direk! Dapat na iupdate yung IG bio mo…kulang ng DIRECTOR,” saad ni Tom.

Tugon naman ni Marvin, “@akosimangtomas thank you also Tom! Hehe Tsaka na pag nakadami…Good luck to us this Saturday.”

“This should be interesting!” komento naman ni Wil.

Reply ni Marvin kay Wil, “God bless you more Wil!! I learned a lot from your story…Very inspiring…”

Cancer survivor si Will at si Alodia ang isa sa mga espesyal na taong nasa tabi niya noong mga panahong nakikipaglaban siya sa kanyang sakit hanggang sa siya’y gumaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit pinasok na ang pagdidirek, tuloy pa rin ang acting career ni Marvin na kabilang sa cast ng GMA series na Kambal, Karibal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending