Donita Nose, iba pang co-host ng Wowowin tsinugi dahil maingay?
KAHIT natsugi sa programang Wowowin ng GMA 7, tumatanaw pa rin ng utang na loob ang gay comedian na si Donita Nose kay Willie Revillame.
At hindi raw totoo ang tsismis na masama ang loob nila ng kanyang ka-tandem sa programa na si Super Tekla kay Willie matapos silang tanggalin kasama ang iba pa nilang dating co-hosts na sina Ariella Arida, Sugar Mercado at Ashley Ortega.
“Yes, tinanggal kami pero wala po akong sama ng loob kay Kuya Wil. Walang-wala po! Lagi ko ngang sinasabi, because of Wowowin kaya nandito ako sa GMA ngayon, may mga show at may kontrata pa.
Kaya malaki rin po ang utak na loob ko kay Kuya Wil, sobrang thankful ako sa kanya,” pahayag ni Donita nang makachika namin sa presscon ng “OH, BOY! & OH, LOL!” concert.
Makakasama sina Donita at Super Tekla sa nasabing concert na pangungunahan ng mga Kapuso hunk na sina Derrick Monasterio, Jak Roberto, Dave Bornea at Rocco Nacino.
Paliwanag ni Donita Nose, hindi raw totoo na kaya sila tinanggal ay dahil na-bad trip si Willie dahil sa pagbubulungan nila habang nagsasalita ang TV host sa harap ng kamera. Talaga raw balak na ng management na i-reformat ang show.
“Kinausap naman kami na magre-reformat si Kuya, so lahat talaga kami naalis. So, desisyon niya po yun. Siguro mas feel niya ‘yung ganitong format, yung ganyang style, basta sa mas ikagaganda at ikauunlad ng show, gagawin niya. Tsaka, siya naman talaga ‘yung show, Wowowin is Willie Revillame, kaya kahit mawala kami lahat, alam kong magiging okay pa rin ang programa,” pahayag ng stand-up comedian.
Wala si Super Tekla sa ginanap na presscon dahil may show daw ito Europe. Pero sigurado raw darating ang magaling na komedyante “OH, BOY! & OH, LOL!” concert na gaganapin sa Music Museum on May 18.
Inamin niyang super nami-miss na rin niya ang Wowowin at umaasa siyang muli niyang makakasama si Willie sa show sa tamang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.