San Miguel Beermen nahablot ang 2-1 Finals lead | Bandera

San Miguel Beermen nahablot ang 2-1 Finals lead

- April 01, 2018 - 10:20 PM

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
7 p.m. San Miguel Beer vs Magnolia
(Game 4, best-of-7 championship series)

NAG-INIT ang San Miguel Beermen sa ikaapat na yugto upang kumawala sa mahigpit na laban sa krusyal na Game Three at biguin ang Magnolia Hotshots, 111-87, tungo sa paghablot sa 2-1 bentahe sa kanilang 2018 PBA Philippine Cup best-of-seven championship series Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ibinagsak ng nagtatanggol na kampeong Beermen ang matinding 17-3 atake tampok ang matinding 15-0 bomba sa loob ng unang anim na minuto sa ikaapat na yugto upang sigurihin ang ikalawa nitong sunod na panalo at lalo pa lumapit sa inaasam nitong ikaapat na sunod na titulo sa pinakapreshitiyosong kumperensiya ng liga.

Isang tres muna ni Mark Barroca ang naglapit sa Hotshots sa 71-77, 11:05 minuto pa sa laro bago na lamang tuluyang nalimitahan sa kabuuan lamang na 19 puntos sa huling yugto upang malasap ang ikalawang sunod na kabiguan sa serye.

Dinomina ng Beermen sa paghulog ng kabuuang 36 puntos ang huling yugto kung saan nagawa pa nitong itala ang pinakamalaki nitong kalamangan na 24 puntos, 101-77, tampok ang magkasunod na tres nina Marcio Lassiter at Arwind Santos na naglapit sa koponan sa kailangan na lamang na dalawang panalo para tapusin ang serye.

“Coming into the game, we all want to be aggressive. We talk to control our emotion but remain focus on the game,” sabi ni Lassiter, na inihulog ang limang tres sa kanyang siyam na tangka para pamunuan ang Beermen sa kanyang 24 puntos dagdag ang anim na rebound, 2 assist at 5 steal.

Itinala rin ng Beermen ang kabuuang naihulog na 13 tres mula sa 30 attempt habang mayroon itong kabuuang 52 rebound at 19 assist.

Nagawa agad makontrol ng Beermen ang unang dalawang yugto matapos ilang beses kapitan ang walong puntos na abante na pinakahuli sa 40-32 bago na lamang naghabol ang Hotshots sa natitirang tatlong minuto upang idikit ang laban sa 50-49 sa pagtatapos ng unang hati.

Magkasunod na nagpakawala ng tres sina Peter June Simon at Paul Lee para sa Hotshots upang itabla ang laro sa 43-all bagaman agad gumanti si June Mar Fajardo at Chris Ross sa isa nitong tres upang ibalik muli sa Beermen ang abante sa 48-43 tungo na sa pagtatapos ng first half.

Agad nagtala si Ross ng 11 puntos, 1 rebound at 2 assist habang nagdagdag si Lassiter ng 9 puntos, 2 rebound at 1 assist sa unang hati.

Nag-ambag si Santos ng anim na puntos at 2 rebound habang si Fajardo ay may 9 puntos, 7 rebound at 1 assist sa unang dalawang yugto ng laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending