San Miguel Beermen, TNT KaTropa unahan sa 2-1 Finals lead | Bandera

San Miguel Beermen, TNT KaTropa unahan sa 2-1 Finals lead

Melvin Sarangay - August 08, 2019 - 06:19 PM

Laro Biyernes (Agosto 9)
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. TNT vs San Miguel Beer
(Game 3, best-of-7 championship series)

UNAHAN sa 2-1 Finals lead ang hangad ng San Miguel Beermen at TNT KaTropa sa Game Three ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagpamalas ang San Miguel Beer ng katatagan at championship poise para maitakas ang 127-125 double-overtime win kontra TNT sa Game Two ng kanilang best-of-seven title series Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakauna ang TNT sa pagkuha ng panalo matapos maitala ng dominanteng 109-96 panalo noong Linggo ng gabi.

Sinayang ng Beermen ang naitaguyod na 17 puntos na kalamangan sa Game Two subalit hindi naman sumuko sina Terrence Romeo, Chris Ross, Alex Cabagnot at import Chris McCullough na nagsagawa ng mga crucial play sa huling bahagi ng laro para mauwi ng San Miguel ang panalo.

Sinamantala rin ng Beermen ang pagkawala ni TNT import Terrence Jones na napatalsik sa laro may 21 segundo ang nalalabi sa unang overtime, ang mga sablay na free throw nina Brian Heruela at Troy Rosario at ang sumablay na triple ni Jayson Castro na nagbigay sana sa TNT ng panalo sa Game Two.

Nagtapos naman si McCullough na may 32 puntos, 22 rebound at pitong assist para sa San Miguel Beer sa Game Two.

Nagdagdag naman si Romeo ng 29 puntos, si Ross ay nag-ambag ng 25 puntos, si Cabagnot ay kumana ng 19 puntos at si June Mar Fajardo ay gumawa ng 12 puntos at 10 rebound para sa Beermen.

Si Jones ay kumana ng 28 puntos, 13 rebound, pitong assist, limang steal at tatlong shotblock bago napatalsik sa laro noong Miyerkules.

Umiskor naman si Rosario ng career-high 34 puntos para sa TNT bago nag-foul out may 1:15 ang nalalabi sa ikalawang overtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending