San Miguel Beermen asam tapusin ang Finals series

By Melvin Sarangay August 15,2019
share this

San Miguel Beermen asam tapusin ang Finals series

By Melvin Sarangay August 15,2019
share this

Laro Biyernes
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. TNT vs San Miguel Beer
(Game 6, best-of-7 championship series)

MATAPOS magwagi sa huling dalawang laro ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals at makuha ang 3-2 series lead, pipilitin ng San Miguel Beermen na tapusin ang kanilang best-of-seven championship series kontra TNT KaTropa ngayong Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Batid ni San Miguel Beer coach Leo Austria na hindi nila puwedeng bigyan ang TNT ng pagkakataong makahirit ng winner-take-all Game Seven dahil manganganib ang tsansa ng Beermen na mauwi ang ikalawang sunod na korona ngayong season at kabuuang ika-27 kampeonato sa PBA.

Kaya naman pipilitin ng Beermen na tuluyang wakasan ang kanilang serye alas-7 ng gabi ngayong Biyernes sa pagkonsidera sa Game Six bilang must-win na laro.

Sasandalan ng San Miguel Beer sina Chris McCullough, five-time season MVP June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot at Christian Standhardinger para masungkit muli ang korona ng Commissioner’s Cup.

Aasahan naman ng TNT sina Best Import Terrence Jones, Best Player of the Conference Jayson Castro, Troy Rosario, Roger Pogoy at Don Trollano para makapuwersa ng Game Seven.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending