Tagahila ng balsa sa Batangas saksi sa pagwawala ni Baron nang malasing
BY now ay marami na sa ating mga kababayan have gone home to their respective provinces in observance of the Lenten season.
Time was when—during our childhood years—my Lola Celenia and I would wake up at dawn para umuwi in my grandfather’s hometown, Paniqui in Tarlac. Maaga pa lang ay nakapaglaga na siya ng ilang pirasong itlog that served as our baon during the three-hour trip via Pantranco.
Sa kapatid ng doctor-lolo kami tumutuloy until the solemn procession tuwing Biyernes Santo kung saan ipinuprusisyon namin ang dalawang life-sized na poon. The sprawling Baltazar compound along the highway bore witness to my having had my share of religious rituals.
Years later, dahil sa hindi na namin pag-uwi sa Paniqui, we managed to at least rekindle our religious spirit. Ang araw na ito’y inilalaan namin sa tradisyunal na Visita Iglesia, where throngs travel on foot (the rich by cars) hanggang makarami (siyam nga ba?) ng simbahan.
Ngayon namin nami-miss ang mga ganu’ng Gawain. We’d plan ahead kasi kung alin ang unang church na pupuntahan namin and on to the next without going off-track.
q q q
On with showbiz tsika.
Isang taga-Lian, Batangas ang nakakuwentuhan namin over the weekend. Tagahila siya ng mga nirerentahang balsa sa isang sikat na beach resort off Batangas.
Once ay naging kostumer niya si Baron Geisler na may kasamang babae believed to be his girlfriend. Kuwento ni Paulo, “Naku, nagkalat ang mga bote ng alak sa balsang sinasakyan nila.”
Maya-maya pa’y tinatanaw na lang daw ni Paulo mula sa ‘di kalayuan si Baron at ang female companion nito, “Napansin ko na nag-aaway sila, Inglisan sila nang Inglisan! Siyempre, na-curious ako, so lumapit ako pero nagtago ako sa gilid ng bangka.”
Langung-lango raw si Baron ng mga sandaling ‘yon. “Tapos, narinig ko na lang ‘yung babae na nagbantang iiwanan sa laot si Baron. Ingles, eh, pero sa pagkakatanda ko, ang sabi nu’ng babae, ‘Okay, I’ll go!’ Tapos, galit na galit si Baron! Sagot niya, ‘Then go!’ Katakutakot na mura na sa Ingles ang lumabas sa bibig niya!” mahabang kuwento ni Paulo.
Pagkatapos ng “privilege speech” ni Paulo ay bumaling siya sa amin, “Kuya, ganu’n ba talaga si Baron kapag lasing…war freak?”
q q q
Bagamat tinukoy, ay iba-blind item na lang namin ang sumunod na kuwento ni Paulo. Bida naman dito ang isa pang aktor na hindi nga alipin ng alak pero ibang bisyo ang wari’y binabathala.
“Kuya, napadpad din du’n si ____ (pangalan ng actor), naku, tsongki (marijuana) naman ang tinitira! Grabe rin pala siya humitit ng damo!” tsika ni Paulo.
Ipinark daw kasi ng aktor na ‘yon ang kanyang sasakyan malapit sa kinaroroonan ng mga nirerentahang cottage, “Kuya, sa kotse pa lang niya, du’n na siya tsumotsongki mag-isa!”
Follow-up na tanong uli ni Paulo sa amin, “Kuya, talaga bang ganu’n si ____ (name ng actor)?”
Sa magkasunod na kuwentong ibinahagi ni Paulo sa amin ay bigo siyang makakuha ng sagot. Ang tanong kasi na alam mo naman ang sagot ay ‘di na kailangan pang i-validate mula sa ibang tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.