Tony Labrusca handa na sa galit ng LizQuen | Bandera

Tony Labrusca handa na sa galit ng LizQuen

Ervin Santiago - March 13, 2018 - 12:10 AM


SPEAKING of Tony Labrusca na nakilala nang husto ng madlang pipol sa katatapos lang na seryeng La Luna Sangre, unti-unti na rin siyang gumagawa ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz.

Siya ay anak ng actor-dancer na si Boom Labrusca (asawa ni Desiree del Valle) at ng dating Kulay singer na si Angel Kones. At ngayong officially part na siya ng Star Magic, umaasa si Tony na mas marami pa siyang magawang proyekto na hahamon sa kanya bilang aktor.

Sa ginanap na mediacon ng Star Magic 2018, hindi kinumpirma at hindi rin dinenay ng binata kung makakasama siya sa bagong movie version ng “Darna” na pagbibidahan ni Liza Soberano.

“Wala pa pong confirmed at all. For me, anything can be changed. Until you sign that contract, you’ll never know. I can’t claim to be part of a movie if I haven’t signed anything,” aniya.

Kung sakali mang makapasok siya sa “Darna”, handa na ba siya sa posibleng pamba-bash ng mga fans nina Liza at Enrique Gil? “After I survived KathNiel bashing, I think I’ll survive (haters).”

Kung matatandaan, matindi ang ginawang pamba-bash ng KathNiel fans noon kay Tony nang pumasok siya sa La Luna Sangre bilang close friend ng karakter ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending