DEAR Ateng Beth,
Ano kaya ang pwede kong gawin sa anak ko na sobrang tamad. Tapos na siya sa pag-aaral at isang taon nang tambay. Di man lang naghahanap ng trabaho. Sabi niya napapagod na raw siya. E, wala naman siyang ginagawa.
Nagkukusa naman po siyang maglaba, maglinis ng bahay. Pero di po ‘yun ang inaasahan ko sa kanya pagkatapos na makapag-aral.
Ano kaya ang pwedeng gawin sa anak kong ito?
Lira, San Pedro, Laguna
I ‘m wondering saan kaya niya nakuha ang kanyang katamaran? Excuse me lang, mother Lira, pero baka kasi masyadong na-spoil si bagets noong bata pa siya.
Baka naging napakadali para sa kanya na makuha ang mga gusto niya, either sa tulong ng ina ng laging saklolo (siyempre ikaw ‘yun) o ng kung sino mang nakatatanda sa kanya. Kaya ngayon ay hindi niya ma-gets ang value ng hard work.
Anyway, ano pa nga ba ang magagawa natin sa isang anak na tamad?
“I’m sure nakausap mo na siya, at one time nabulyawan at dinaan sa drama…aminin!
So, ang pwede mong gawin ngayon ay either hintayin mo na lubos siyang makapagpahinga. Baka nga kasi napagod nang husto si bagets sa kurso at pagko-commute araw-araw.
Pero bigyan mo siya ng deadline o ultimatum. Say, in three months time, sana ay makahanap na siya ng work kasi unang-una sayang ang pinag aralan niya.
Ikalawa, mahirap ang buhay ngayon, mahal ang bilihin kaya more breadwinner, more fun.
Ikatlo, kailangan niya ng work at datung para na rin sa kanyang future.
O kaya, pwede mo siyang ituring na boarder. Dapat lang siyempre maglaba at maglinis ng bahay kesehodang may trabaho o wala, kasi doon siya nakatira.
Pero obligahin mo siyang i-shoulder ang expenses niya. Halimbawa sa pagkain, kung gusto nya ng softdrinks, e di bumili siya para sa sarili niya. Pag gusto niya gumala, hanap siya ng pamasahe at pang gala nya, mga ganern. ‘Wag bigyan ng allowance, ganon kasimple!
Pag nakita nya na hindi na siya mabubuhay dahil walang sustento, hopefully maghahanap na siya ng work.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.