6 SAF member sugatan, 2 nawawala sa NPA ambush | Bandera

6 SAF member sugatan, 2 nawawala sa NPA ambush

John Roson - February 18, 2018 - 04:03 PM
Anim na police commando ang nasugatan at dalawa pa ang nawawala matapos tambangan ng mga umano’y kasapi ng New People’s Army sa Antipolo City, Linggo ng umaga.   Nakilala ang mga sugatan bilang sina PO2 Brendo Cariño, PO2 Reymar Guevarra, PO2 Mark Andrew Bwela, PO2 Gran Omines, PO2 Joseph Alberca, at PO2 Ryan Gonzales.   Sila at ang dalawang nawawala pa’y pawang mga miyembro ng 33rd Company ng PNP Special Action Force (SAF), sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.   Sa una’y limang pulis ang naiulat na nawawala pero pasado alas-10 ng umaga’y napag-alamang ligtas na ang isa, aniya.   Kasunod nito’y inulat ng pulisya na dalawa pa ang natagpuan.   Naganap ang pananambang sa Sitio St. Joseph, Brgy. San Jose, dakong alas-6.   Dumadaan doon ang mga miyembro ng SAF, na pinamunuan ni Insp. Judediah Tuan, patungo sa kanilang kampo sa Canumay, ani Gaoiran.   Pagsapit ng mga Kia mobile ng SAF malapit sa sementeryo, pinaputukan sila ng mga hinihinalang rebelde, aniya.   Tumagal ang palitan ng putok nang halos 1 oras, sabi pa ni Gaoiran.   Habang isinusulat ang istoryang ito’y hinahanap pa ang mga nawawalang police commando.   Dinala ang mga sugatan sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Hospital para malunasan ang mga tama ng bala sa katawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending