Bangka tumaob sa dagat; 2 patay, 3 missing | Bandera

Bangka tumaob sa dagat; 2 patay, 3 missing

Leifbilly Begas - February 07, 2018 - 06:52 PM

Dalawang tao, kabilang ang isang 2-anyos na batang babae, ang nasawi habang tatlo pang bata ang nawawala matapos na tumaob ang pampasaherong bangka sa bahagi ng dagat na sakop ng Camotes Islands, Cebu, nitong Martes, ayon sa pulisya.

Nasawi sina Neriza Gonzaga, 30, at Althea Gonzaga, 2, kapwa residente ng Brgy. Sonog, bayan ng San Francisco, doon din sa Camotes, sabi ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional police. Pinaghahanap pa ng Coast Guard sina Karriel Palomar, 9; Andrea Miao, 2; at Kevin Gonzaga, 4, aniya. Naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon, sa bahagi ng Camotes Strait na malapit sa Brgy. Consuelo, San Francisco. Binibiyahe ang bangka, na may kabuuang 34 pasahero’t crew, mula Brgy. Luyang, Carmen, patungong Brgy. Sonog, San Francisco, nang tamaan ng malalaking alon, ani Tolentin. Naisapatan ng napadaang Lite Ferry 27 ang nagkaaberyang bangka kaya tinulungan ang mga sakay nito. Nasagip ng mga tauhan ng ferry ang 29 pasahero’t crew ng bangka, at sila rin ang nakarekober sa mga nasawi, ani Tolentin. Dinala ang mga survivor sa Mandaue City para sa atensyong medikal.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending