Si Direk Maryo bilang guro, kaibigan at 'ama' | Bandera

Si Direk Maryo bilang guro, kaibigan at ‘ama’

Ambet Nabus - February 05, 2018 - 12:15 AM


REMEMBERING direk Maryo J. delos Reyes.

I actually don’t know where and how to start this. Weird, but in our more than 30 years of being friends, co-worker, co-officer (sa UPCMCAA) and co-advocate of better education, there were times na napag-uusapan namin ang sari-saring eksena sa lamay ng mga namamatay na kaibigan o kapamilya.

Genius that he is, nalalagyan niya ng magandang drama ang kanyang mga kuwento. And now that it’s my turn to have this in reality, sure akong tatawagin niya akong “bad actor” or “bad storyteller.”

Hindi ko pa siya teacher sa UP-Masscom noong 1987, ay naging kaibigan ko na si Direk. He was a lecturer noon sa Institute of Mass Communication habang ako naman ay nagsilbing isa sa mga PA niya.

Ang minamahal ng lahat sa Masscom na si Manang Suming Agapito ang nagpasimula ng lahat. Bilang dating Student Record Examiner ng IMC, sa kanya personal na inihahabilin noon ni direk Maryo ang mga requirements bilang lecturer, gaya ng iba ring teachers.

Maryo J, was then a topnotch director, whose works were both commercial and critical successes. Pero gaya ng sinasabi niyang isa sa mahahalagang aral sa buhay na natutunan niya, “Huwag mong kalilimutan ang pinagmulan ng talino mo. Dapat matuto kang mag-payback.”

Going back to my PA works for him, napaka-vivid pa sa aking alaala ang mga eksenang sumasakay ako sa UP-Philtranco (75 cents. pa lang ang pamasahe) para ihatid o kunin ang mga syllabi, xerox materials ng mga lectures niya, results ng test ng mga students hanggang sa classcards na dinadala/ibinabalik ko noon kay Nanay Suming.

Madalas din, may bitbit akong tinapay o cake, o di kaya’y mga passes ng pelikula niya noon sa Regal at Viva na pinapadala niya para sa mga kaibigan niya sa Kolehiyo, lalo na para kay Nay Suming. He was generous enough as he always handed me 200 pesos sa bawat paroo’t parito ko from UP to his apartment sa may Camelot Hotel.

Maraming beses ko ring binabasa ang mga sample scripts o draft stories na either collaboration nila ni Manong Jake Tordesillas o mula sa mga estudyante niya. He was really a very generous person. Never siyang nagdamot ng ideya o pagkakataon para i-challenge ka sa trabaho mo.

Tatak Maryo J – yung personal ka niyang hahanapin, ipapatawag at kakausapin kahit sandali, para sabihin sa iyo nang harapan ang mga komento niya sa trabaho mo, positibo man o may kanegahan. Tatay na tatay yan kapag pinapayuhan ka.

Noong minsan kong nabanggit sa kanya ang panghoholdap sa akin sa Quiapo at nakuha ang maliit kong ipon bilang Student Assistant at PA niya, agad niya akong sinamahan sa isang bangko sa may Katipunan para ipagbukas ako ng account – yun ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ako ng ATM card.

“Para matuto kang mag-ipon at gumastos nang tama,” sabi niya sa akin habang nire-remind niya ako na “pangalan” niya ang nakataya roon dahil siya ang nakalagay na personal reference ko sa mga dokumentong pinirmahan ko.

Marami rin ang hindi nakakaalam na maraming natulungang estudyante si direk Maryo. In fact, kahit hindi nga taga-Masscom ay natutulungan niya lalo na sa pagiging “guarantor” ng mga umuutang ng tuition sa Student Loan Board ng UP Diliman. I worked as a student assistant (1989-1990), at doon ko na-discover na kapag student clearance season, may mga student na either nag-LOA (leave of absence) o nasa delinquent list dahil sa utang at si Direk nga ang guarantor.

Nagagalit ako sa kanya dahil ang hilig-hilig niyang mag-guarantor sa kahit hindi niya kilala tapos kapag bayaran na, nawawala na kaya’t yung suweldo niya as teacher ang nauubos. Mapapailing na lang ako sa sagot niya sa akin, “Meron at meron diyang aasenso. Yung pera kinikita in time, pero yung time, kapag lumipas o nalipasan ka, mahirap nang balikan.”

For sure, marami sa mga taga-media, advertising, public service o saan pa man ang minsa’y natulungan din ni direk Maryo.

Lagi ring puno ang Broadcasting 123 class niya noon dahil paborito siyang kunin ng mga naghahabol maka-graduate, kaya’t noong time na need ko na ito, unang-una akong nag-enlist, with of course, Nay Suming’s help and direk Maryo’s approval.
It was a very memorable course. In between production classes, pinapupunta niya kami sa mga taping o shooting niya like that of Aiko Melendez’s soap. Hanggang sa ang naging final exam namin ay maging production staff kami o mismong aktor sa ngayo’y classic film na niyang “My Other Woman.”

It was also around 1990-1991, sa kasagsagan ng mga proyekto niya ng maging super active din siya sa UP-Masscom Alumni Association. Aliw na aliw siya sa mga pagkanta ko noon ng “Totoo Ba Ang Tsismis” at “Kaya Kong Abutin Ang Langit” kapag nai-stress na ang mga co-officers namin sa pag-manage ng UP Masscom directory, at paghahanap ng donors for some professorial grants bilang ilan sa mga major projects niya.

Without me knowing it, yung pagkaaliw niya sa kakatawag at kakantiyaw sa kakulitan ko ay nagamit pala niya ang pangalang AMBET sa isa sa mga obra niya. And take note, si Monsour del Rosario (then a famous taekwondo medalist) pa yata ang nabigyan ng role sa isa sa napakaraming Maricel Sorano movies na nagawa niya.

Dati kasi ay pangarap kong maging artista, but direk Maryo then advised me, “Wag na. Mag-focus ka na lang sa marketing o advertising works mo. Marami kang matututunan diyan kay ate Luds (Inday Badiday, who then took me as one of Loca-Lobo Productions marketing staff). Mas merong pera diyan. At least lumabas na sa movie ang name mo.”

Giliw na giliw din siya kung paano akong tumawa, lagi niyang sinasabi na talagang napapahagikhik siya dahil sa tawa ko. At nang madala ko nga ang tawang yan sa mga programa ko sa DZMM, kung minsan ay pasimple siyang tatawag kahit naka-on board ako para lalo raw akong humagalpak.

Minsan naman, tumawag siya nang ianunsyo ko sa ere na paborito kong direktor si Joel Lamangan na naging paborito rin akong gawing extra sa mga pelikula niya.

“Paborito mo pala si Joel,” tila may himig tampo nitong tanong na sinagot ko naman ng, “Kasi good actress ang tawag niya sa akin, habang bad actor ako sa iyo!” na susundan naman niya ng tawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ibabahagi naman namin ang unang pagkakataon na kinagalitan ako ni Direk Maryo at ang iba pang kuwento na siguradong kapupulutan natin ng aral at inspirasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending