Mother Lily tagos sa buto ang pagmamahal kay Direk Maryo; binigyan ng lupa at condo
DEDICATED kay direk Maryo J. delos Reyes ang on-going GMA Primetime series na The One That Got Away nina Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos at Dennis Trillo. Nakalagay ang tribute sa closing credits ng series.
Sa pumanaw na director unang natoka ang project na ito last year. Pero kalaunan ay nagpaalam siya sa management na magpapahinga muna siya kaya ibinigay ito sa iba.
Naging resident director ng ilang Kapuso dramas ang premyadong director. Ilan sa naidirek niya ay ang Someone To Watch Over Me, Pari Ko’y, Nino, Magkano Ba Ang Pag-ibig?, Pahiram Ng Sandali, Little Star, Gumapang Ka Sa Lusak, Biritera, Munting Heredera, Magdusa Ka, Dapat Ka Bang Mahalin at iba pa.
Naging consultant din siya sa GMA Artist Center at naging bahagi ng Talent Development Center. Talent niya si Ruru Madrid na bida na sa bagong Kapuso series na Sherlock Jr.
Ang isa sa artists niyang super affected ng pagkamatay ng manager ay si Orlando Sol.
“Mahal na mahal kita Direk…Ang hirap tanggapin…” caption ni Orlando sa ipinost niyang picture ng director sa kanyang Instagram.
q q q
Maraming natulungang artista si direk Maryo J pero kung may isang taong malaki rn ang naitulong sa kanya, ito ay walang iba kungdi si Mother Lily Monteverde. Sagad sa buto ang pagmamahal ng Regal producer sa isa sa resident directors niya nu’ng namayagpag ang Regal Films.
Beyond words ang pagmamahalan ng dalawa. Hindi lang producer-director ang relasyon nila kundi higit pa roon.
Kaya naman bilang sukli sa kabutihan at pagmamahal ni direk Maryo, binigyan siya ni Mother Lily ng isang condo unit sa Imperial Hotel at ‘yung lupang kinatitirikan ng hot spring resort ng director sa Pansol, Laguna eh bigay din ni Mother.
Kaya naman kung merong taong puwedeng lapitan ng mga kapatid ni direk Maryo sa ari-ariang ito, ‘yon ay walang iba kungdi si Mother Lily.
Hindi lang si direk Maryo ang naambunan ng generosity ni Mother. Maging ang yumaong director na si Lino Brocka ay binigyan niya rin ng bahay at lupa, pati na ang ibang artistang nakatulong at naging loyal sa Regal Films.
Kaya naman bago ang grand presscon ng Valentine movie ng Regal na “My Fairy Tail Love Story” last Tuesday sa Valencia Events Place, nag-alay ng dasal si Mother Lily kasama ang cast ng pelikula at entertainment press bilang pasasalamat sa namatay na director.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.