Film critic tandang-tanda pa ang naging ‘karanasan’ kay Maryo J
FILM CRITIC TANDANG-TANDA PA ANG NAGING ‘KARANASAN’ KAY MARYO J
NU’NG araw din ng Jan. 27, Sabado ay mabilis na kumalat ang malungkot na balita tungkol sa biglaang pamamaalam ni direk Maryo J. delos Reyes.
Nang gabi ring ‘yon, we were burning the lines with a film reviewer na nakiusap na huwag na lang daw naming banggitin ang kanyang pangalan (pero iilan lang naman sa industriya do film reviews, kaya madali lang hulaan kung sino).
For purposes of brevity, all throughout this column ay ia-address na lang namin siya as FC (or film critic) who had fond memories of direk Maryo J.
Matagal nang panahon noong gawin ng premyadong direktor ang pelikulang pinamagatang “Laman”, ‘yun ‘yong time when skin flicks were in vogue. Bida roon ang isang baguhan who went by the name Lolita de Leon (na pilit man naming sakyan ang imaginary time machine ay hindi namin siya maalala).
Also in the cast were Albert Martinez, Elizabeth Oropesa and Yul Servo. Sa kuwento, magkarelasyon sina Albert at Elizabeth, Yul at Lolita. But somewhere along the way, nagkaroon ng exchange of partners.
Ito mismo ang eksenang tumatak sa isipan ng FC which he wrote in his regular broadsheet column.
May isang tagpo roon na nagkabistuhan na ang dalawang pares ng kanilang kataksilan. Isang umaatikabong fistfight ang naganap sa pagitan nina Albert at Yul sa bahay mismo ni Lolita, kung saan naroon din si Elizabeth.
Habang nagkakabasagan na ng mukha ang dalawang lalaki ay abala naman si Lolita sa pagluluto ng kanyang specialty: ginataang alimasag. The irony was that, hindi kumakain si Lolita ng crab in coconut milk, allegic yata sa alimasag.
Cut to the dining room. Out of the blue ay bigla na lang daw nagdayalog si Lolita, “O, kumain na muna tayo.” Ewan if that was the scriptwriter’s way of pacifying raging bulls out to kill each other. Or direk Maryo J’s, for that matter.
“Ceasefire.” Natigil ang sapakan as all four of them settled at the dinner table. Nilantakan ang pagkain except for Lolita na allergic nga sa crab.
Sumunod na eksena, isa-isang bumagsak ang mga nagsikain ng ginataaang alimasag, bumulagta sa sahig.
In other words, Lolita deliberately poised the three. Closing credits.
Back to the FC’s film review, ang eksaktong isinulat niya was his knee-jerk reaction after seeing Albert, Elizabeth and Yul slumped on the floor in that death (or murder) scene.
Ayon sa FC, pagkatapos mo raw mapanood ‘yon ay parang gusto mong tumakbo patungo ring kusina, grab a frying pan and hit the film director with it.
Nabasa pala ni direk Maryo J ang rebyu na ‘yon, medyo sumama lang nang konti ang loob pero never siyang tumawag sa FC para kumprontahin o giyerahin ito for what he wrote.
A year or so later, may assignment si FC to interview direk Maryo J on the set of his film “Magnifico.”
After the interview, direk Maryo J gently asked the FC about his review of “Laman.” Nagkapaliwanagan sila hanggang naghatiran pa sila kung saan naka-park ang kanilang mga kotse.
In summary, ayon kay FC ay ‘yun ang katangian ni direk Maryo J na habambuhay nang tatatak sa kanyang puso’t isip, “Walang masamang tinapay sa kanya.”
After we hung up, ramdam namin ang lungkot ng FC. Nanunuot din sa laman.
q q q
If only for her rare exposure in GMA, isang “major, major” episode ang dapat abangan mamayang gabi sa Celebrity Bluff.
Battle of the beauties (and brains as well) ang magaganap sa mga magkakamping sina Venus Raj at Ariella Arida, Solenn Heussaff at Mariel de Leon at Skusta Lee at Floe G.
Basang-basa (as in readable) ang pairing nina Venus at Ariella, both runners-up sa mga nakaraang Miss Universe, while Mariel—an also-ran in last year’s international pageant—ay ipinareha kay Solenn. In her own right, in fairness, mukha rin namang beauty queen si Solenn.
Pasensiya na dahil hindi masyadong pamilyar sa aming pandinig sina Skusta at Floe, ewan if the former is related to Bruce or Brandon Lee. But looks like these “lesser minions” promise to give a good fight.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.