'PBA, Nora, Vilma, Ruru bahagi ng mga alaala namin kasama si Direk Maryo!' | Bandera

‘PBA, Nora, Vilma, Ruru bahagi ng mga alaala namin kasama si Direk Maryo!’

Ambet Nabus - February 06, 2018 - 12:25 AM


KAHAPON aming naikuwento ang pagsisimula ng isang magandang pagkakaibigan sa pagitan namin ni Direk Maryo J delos Reyes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwalang wala na siya.

Napakaraming kuwento sa likod ng aming relasyon – bilang mentor, kaibigan, tatay at katrabaho. Alam n’yo ba na ang una at huling pagkakataon na kinagalitan niya ako ay noong puntahan niya mismo ako sa opisina ko noon sa Uniprom Inc., sa Araneta Center in 1999.

Ito yung pagkatapos ikuwento sa kanya ng isa sa pinakamamahal niyang haligi rin ng industriya na si Manong Jake Tordesillas sa naging resulta ng Mr. World-Philippines na ginawa namin sa Broadway Centrum (sa show ni Kuya Germs na MasterShowman) dahil ka-tie up namin ang GMA.

Isa sa mga programang hawak ko noon bilang Marketing Manager ng Uniprom na siya ngang producer ng Binibining Pilipinas at Mr. World-Philippines.

“Bakit mo ginawa yun?” Ang tanong ni Direk nang malaman niyang may pahaging akong paalala sa mga hurado para sa talent niyang kalahok sa nasabing male pageant. Tatlo sa mga judge ang naalala kong sinabihan ko ng, “Uy, alaga ni direk Maryo iyan.”

Isa du’n si Jackie Forster na mabilis ang pagsagot ng “Oo naman. Si direk pa, eh siya ang gumawa ng launching movie ko.” I was then Benjie Paras’ publicist na nooo’y asawa pa nga ni Jackie.

The other two were Madam Olen Lim na wife naman ng good friend kong si PBA player Frankie at si Sari Yap ng Mega magazine na graduate din ng UP-CMC.

First time kong nagulat sa galit ni Direk kaya agad-agad din ay kumuha ako ng naging resulta ng pageant mula sa aming auditing firm at ipinakita sa kanyang matataas talaga ang scores na nakuha ng talent niya from all of the judges kaya deserving ang pagkapanalo nito.

Niyakap ako ni Direk Maryo at pinasalamatan though humingi rin siyempre ako ng tawad.
At alam n’yo ba na kami rin ang naging susi para makapanood siya ng full basketball game sa PBA.

Bonggang game ‘yun ng San Miguel at Ginebra at dahil paborito niya noon si Rommel Adducul na noo’y nali-link kay Assunta de Rossi (meron yata siyang ginagawang movie noon with her), curious daw siyang makita itong maglaro at na-impress naman siya.

Hindi ko mailarawan that time ang pagiging “fan” niya dahil aliw na aliw siya sa sigawan at kantiyawan ng basketball fans.

Napakarami pa naming masasayang sandali ni Direk lalo na kapag nasa UP-CMCAA (Masscom Alumni Association) dahil “ibang-iba” siya kapag usaping edukasyon na ang topic at pag mga educators na ang kaharap niya. Napakataas ng pagtingin niya sa edukasyon kaya nang maging kasapi rin ako ng PLDT Gabay Guro ay proud na proud siya at panay ang biro kung kaian ko raw pasasayawin ang Masculados o pakakantahin si Orlando Sol sa annual Teachers’ Day namin.

Lahat na yata ng ginawa naming homecoming programs sa Masscom ay may tatak-direk Maryo. Never niyang ipinagdamot ang talents niya mula sa Masculados hanggang sa ngayo’y congressman nang si Yul Servo para makisaya sa amin.

Marami akong naging kumpare/kumare sa UP-CMCAA nang dahil sa kanya. Mula sa mga dating Dekano ng kolehiyo, hanggang sa mga regular officers gaya nina Prof. Armi Vallejo-Santiago (na gaya ko ay paborito ring gawing alalay at utusan ni direk), Prof. Gigi Alfonso-Javier, Dean Neny Pernia, Gina Lumawig, ang namaalam na ding si Susie Bugante (dating SSS VP), ang madalas ring maging Presidente ng grupo na si Jingjing Romero, ang mahusay na PR guru na si Joy Buensalido, at ang ngayo’y Presidente naming si Malou Choa-Fagar (ng TAPE), plus several UP-Masscom employees na naging close kay direk.

q q q

Huli kaming nagkita ni direk sa grand presscon ng Sherlock Jr. kung saan bida ang alaga niyang si Ruru Madrid. Pinuna ko pa ang pamamaga ng mga mata niya habang kinantiyawan naman niya ang paglaki ng tiyan ko.

“O, anak-anakan (Ruru) mo rin iyan ha. Alam mo na,” his usual “bilin” kapag may mga alaga nga siya sa industriya na gusto niyang pasuportahan. But it was in December, 2017, a few days after Christmas when he made a phone call (around 3 a.m.) para lang mag-thank you sa pagkikita namin during the thanksgiving party ng kanyang Production 56 at mag-request ng mala-Dulce naming version ng “Kaya Kong Abutin Ang Langit” at “Totoo Ba Ang Tsismis.”

Weird, but it was very unusual dahil una, never niya akong tinatawagan ng ganu’ng oras and secondly, tinatawagan niya lang ako kapag UP-CMCAA ang concern.

When I celebrated my golden year last 2017 via a concert sa Teatrino, Greenhills, nagpakita pa rin siya kahit late na at tapos na ang kantahan. He wanted to watch daw yung duet namin ng inaanak niyang si Neeyong, kaya’t pinadalhan ko na lang siya ng video at masaya siyang nagkomento ng, “Uy, Saan Darating Ang Umaga pala ang kinanta n’yo ng inaanak ko. Buhay na buhay ang kanta,” without us knowing na isa pala yun sa mga personal best movies niya in the 80’s.

Hay, napakarami pang ibang masasaya, magaganda at makabuluhang mga kuwento at kaganapang pinagsamahan namin. Hanggang sa mga sandaling ito at big secret pa rin kung sino nga ba talaga kina Ate Guy (Nora Aunor) at Ate Vi (Vilma Santos) ang hihirangin niyang Best Actress kahit mas identified siya sa Superstar dahil sa dami ng movies na ginawa nila.

Minsan kasi sa debate namin, maka-ate Vi siya dahil may tampo siya kay Ate Guy. Pero madalas talaga ang Superstar ang hinahanap niya. Pero kapag iniinterbyu namin siya palagi siyang no comment dahil fair at objective raw siya. Ha-hahaha!

I am simply proud and grateful na sa lifetime ko ay naging mabuti kong kaibigan, mentor, kapamilya, kapuso, kapatid, kumpare at kahagikihikan ang isa sa mga haligi ng industriya ng pelikula at telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi ko nga sa aking eulogy, “Maraming-maraming salamat Direk Maryo J delos Reyes. Kulang ang pasasalamat at pagsasabing mahal na mahal ka namin. Harinawang manatili rin sa aming sistema ang kahit katiting ng kung anong meron ka. Bon voyage to eternal life!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending